MASISILAYAN ang top executive chess players sa rehiyon sa pagtulak ng 9th leg National Executive Chess Championship na tinampukang 2019 Grandmaster Rosendo Balinas Sr. Chess Cup sa Hulyo 27 sa Zurea Hotel, La Purisima Concepcion St.sa Lucban, Quezon.

Ayon kay tournament director Joselito Cada, ang one-day rapid event ay bukas sa lahat ng qualified members ng Philippine Executive Chess Association na suportado ni Engr. Antonio “Tony” Carreon Balinas.

Giit naman ni Philippine Executive Chess Association president Dr. Jenny Mayor, ipapatupad sa nasabing torneo ang 7-round Swiss System format, 20 minutes na may five seconds delay kung saan ang maghahari sa Open division (2000 and above NCFP rating) ay mag-uuwi ng P7,000 plus trophy habang ang second place ay P5,000 plus medal, ang third place ay P3,000 plus medal, ang fourth place ay P2,000 plus medal at ang fifth place ay P1,500 plus medal.

May special prizes din para sa Top 2200 and below, Top 2100 and below at Top Senior na tatangap ng tig P1,000 plus medals.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Sa challenger’s division (1999 and below), nakalaan sa magkakampeon ang P6,000 plus trophy. Ang second placer ay magsusubi ng P3,000 plus medal, ang third placer ay magbubulsa naman ng P2,000 plus medal, ang fourth placer ay mag-uuwi ng P1,500 plus medal at ang fifth placer ay magsusubi ng P1,000 plus medal.