Hindi na itutuloy ang pagsasampa ng kaso laban kay dating Manila City Mayor Joseph “Erap” Estrada kaugnay ng umano’y pagkabigo na i-turn over ang transition documents sa pumalit sa kanya sa puwesto na si Mayor Isko Moreno.

ERAP

Ito ang kinumpirma kanina ng Department of Interior and Local Government (DILG) matapos na makumpleto nito ang imbestigasyon sa usapin.

Idinahilan ni DILG Undersecretary/spokesman Jonathan Malaya, natuklasan ng binuong fact-finding team na pinangunahan ni DILG-National Capital Region (NCR) Director Maria Lourdes Agustin, naibigay na ng transition team ni Estrada ang nasabing dokumento sa DILG-Manila Field Office, noong Hunyo 28.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Sinabi rin nito, tuluyan nang nai-turn over ng DILG ang nabanggit na dokumento sa bagong city administrator kasunod ng compulsory evaluation, nitong Hulyo 2.

“Based on the results of the fact-finding investigation, we find no basis to file administrative charges against former Mayor Estrada as we have confirmed from a report submitted by our regional office that the required documents were endorsed by former City Administrator Ericson Alcovendaz to Mayor Moreno’s transition team and the DILG Manila Field Office on June 28, 2019,” ayon sa opisyal.

Nilinaw ni Malaya, inendorso ni Alconvendaz ang transition documents kay DILG City Director Rolynne Javier matapos na tanggihan ng staff ng Secretary to the Mayor, nitong Hunyo 28.

“Our DILG Manila Field Office reviewed and validated the transition documents and the same were forwarded to the Office of the City Administrator Felixberto Espiritu copy furnished the Office of the City Mayor on July 2, 2019,” paliwanag pa nito.

 -Chito A. Chavez