SA ika-anim na pagkakataon, magtutunggali sa kampeonato ang Go for Gold Air Force at Cignal sa 2019 Spikers’ Turf Reinforced Finals ngayon sa Paco Arena.

Tangan ng HD Spikers ang 3-2 bentahe sa head-to-head duel sa championship.

Para kay defending champion Jet Spikers coach Rhovyl Verayo, hindi sila magbabago ng istratehiya dahil naging epektibo naman ito sa nakaraan nilang naging title bids.

“Same pa rin, wala kaming babaguhin, siyempre ‘di naman sa ano, nandun naman kami lagi sa top. Same pa din, malakas din kasi ang kalaban, talagang pukpukan talaga,” ani Verayo para sa Air Force na maghahangad ng kanilang ikalimang titulo.

Mikee Cojuangco-Jaworski, chair ng Coordination Commission ng Brisbane 2032

Ngunit, kontra Cignal, pinaalalahanan niya ang kanyang koponan na kailangang di sila magpaiwan sa HD Spikers.

Sa panig naman ng Cignal,target nilang mabawi ang titulong naagaw sa kanila ng Jet Spikers noong 2018 Reinforced Conference.

Ngunit, sa pagkakadagdag sa Air Force nina Francis Saura, Kim Malabunga, at Madz Gampong, naniniwala ang HD Spikers na kailangan nilang mas pagbutihin ang paghahanda kontra Jet Spikers.

“Ngayon, given na ang Air Force halos lahat sa kanila National team, so siguro ngayon ‘pag aaralan namin sila. Lahat naman ng team may kahinaan, kami may kahinaan din. Sila siguro meron din, pagaaralan namin kung ano yung kahinaan nila tapos papalakasin pa namin kung ano yung strength mismo namin,” ani Cignal head coach Dexter Clamor.

Gayunman, naniniwala pa rin si Clamor na patas lamang ang kanilang tsansa.

-Marivic Awitan