NASA 4,000 indibiduwal sa Western Visayas ang inaasahang magbibigyan ng benepisyo mula sa “Tulong-Trabaho Program” ng pamahalaan, pagbabahagi ng opisyal ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) 6, kamakailan.

“This is probably the most comprehensive program of the government that can address factors that hinder our workforce to undergo training. Even the poorest of the poor can avail of the program,” pahayag ni Dina Esmas, Provincial Director ng TESDA sa probinsiya ng Guimaras.

Nitong Pebrero 22, nilagdaan ni Pangulong Duterte ang “Tulong Trabaho Law” o Republic Act 11230, na nagpapatupad ng “Tulong-Trabaho Fund”, na magbibigay ng mga libreng pagsasanay at dagdag na pinansiyal na tulong, tulad ng transportation allowance, sa mga kuwalipikadong benepisyaryo na kumukuha ng selected training programs (STPs).

Kabilang sa mga maaaring pumasok sa programa ang nasa 15-anyos pataas, walang trabaho, hindi nag-aaral at nagsasanay at mga empleyadong nais mapaunlad at mapalawak ang kanilang kakayahan sa pamamagitan ng mga pagsasanay.

Night Owl

Demokrasya: Haligi ng Pag-unlad at Pananagutan

Layon ng programa na mabawasan ang kaso ng mga “mismatch of workers” na sinanay ng TESDA at ang aktuwal na kailangan na lakas-paggawa para sa industriya.

Dagdag pa ni Esmas, nananatiling pagsubok sa Western Visayas ang job mismatch.

Ilan, aniya, sa mga trabahong kailangan sa mga industriya sa kasalukuyan ang mga plumbers, carpenters, electricians, organic farmers, at iba pa.

“We really need to encourage our workforce to have programs related to these occupations so that whenever there is a need for workers, we will have a ready supply,” ani Esmas.

Bukod sa job mismatch, nais ding matugunan ng “Tulong Trabaho” program ang kawalan ng trabaho ng bansa.

Aniya, mabilis na makukuha ang mga nagtapos sa programa dahil dumaan na ang mga ito sa Technical-Vocational Education and Training (TVET) program at competency assessment and certification ng TESDA.

Sinimulan na rin ng TESDA 6 ang pagtukoy sa mga STPs sa pamamagitan ng isang industry forum na idinaos sa Iloilo City.

Sa ilalim ng RA 11230, isinasaad na “STPs may be school-based, center-based, community-based, enterprise-based or web-based programs.”

Hinikayat naman ni Esmas ang mga interesado na kumuha ng programa, na makipag-ugnayan lamang sa opisina ng TESDA 6.

PNA