Ibinasura ng Korte Suprema na tumatayong Presidential Electoral Tribunal ang urgent motion ni Vice President Leni Robredo na humihiling na agad na resolbahin ang electoral protest ni dating Senator Bongbong Marcos.

ROBREDO

Paliwanag ng PET, premature ang mosyon ni Robredo dahil hindi pa natatapos ang pagdinig sa petisyon ni Marcos.

Ang election protest ni Marcos laban kay Robredo ay kaugnay sa 2016 vice presidential election kung saan idinedeklarang panalo si Robredo laban kay Marcos.

National

Ping Lacson, kinilala ambag nina PNoy, PBBM sa estado ng kaso ni Mary Jane Veloso

Gayunman, nitong nakalipas na buwan, naghain ng mosyon ang kampo ni Robredo para igiit ang clear victory sa election case.

Dahil naman sa pagbasura ng SC sa mosyon ni Robredo ay patuloy pa rin ang pagdinig sa nasabing protesta ni Marcos.

Kaugnay nito, kumpiyansa naman ang kampo ng Bise Presidente na pagtitibayin ng PET ang pagkapanalo nito sa nakaraang 2016 elections.

Ito ay reaksyon ng legal counsel ni Robredo na si Ma. Bernadette Sardillo kaugnay ng pagkakabasura sa naturang mosyon.

"We are extremely disappointed, but we fully respect the Presidential Electoral Tribunal's decision," ayon pa sa abugado.

-Beth Camia at Raymund F. Antonio