BAKIT kaya dinelete ni Kris Aquino ang post niya tungkol kay Metro Manila Film Festival (MMFF) Selection Committee head National Artist Bienvenido Lumbera?

Kris

Maganda naman ang sinabi ni Mr. Lumbera kung bakit malaking bagay si Kris kung bakit napili ng MMFF ang (K) Ampon na isa sa entries sa 2019 MMFF.

“It’s an interesting script, talks about a child who suddenly comes up and claims that she is the daughter of a man but not the child of a man and wife. So that should be interesting to people who have not seen Kris Aquino in any commercial film lately and that is box office attraction,” paliwanag ni Mr Lumbera sa pagkakapili sa entry nina Kris at Derek Ramsay.

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

“I am inspired by these words. On purpose hindi po ako nagsalita at length about MMFF 2019 because I wanted to be away to think carefully, kung kaya ba ng katawan ko, handa na ba ‘ko? At ito ba yung tamang proyekto para sa ‘kin?

“Physically I’ve been challenging myself, nakapaglakad ng 8,000 steps today, hindi hinihingal. Kinayang tumulong magbuhat ng mga pinamili.

“Kumain ng masustansya (my favorite, konting beef teppanyaki BUT double portion ng ampalaya w/ egg)... and most of all, POSITIVE ang attitude and very GRATEFUL about all of life’s blessings.

“Mr. Lumbera, maraming salamat po sa sinabi ninyo. Nakakataba po ng puso ‘yung pagkakataon na ibinibigay ninyo sa akin at sisikapin kong pantayan ang inaasahan po ninyo sa pagganap ko bilang GRACE sa (K)Ampon.”

S a s i n a b i n g i t o n i Kr i s , mu k h a n g nakapagdesisyon na nga s iyang gawi n ang (K)Ampon to be directed by King Palisoc, at produced ng Quantum Films.

-Nitz Miralles