SADYANG inabangan ng lahat ang live performances sa Idol Philippines nitong Sabado at Linggo ng natitirang walong finalists na sina Zephanie Dimaranan, Dan Ombao, Elle Ocampo, Sheland Faelnar, Lucas Garcia, Fatima Louise, Lance Busa at Miguel Odron.

Zephanie

Pero nitong Linggo ay na-tsugi na sina Shelan at Fatima kaya anim na lang ang natitirang maglalaban sa natitirang apat na linggo.

Puri naman ng mga huradong sina Vice Ganda, Moira de la Torre, James Reid at Regine Velasquez, nag-level up this week ang ilang finalists, pero may ilan na nadismaya sila.

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

Ang pinaka-nanguna para sa mga hurado ay ang 16-year old na si Zephanie na kumanta ng Isa Pang Araw na orihinal na kinanta ni Sarah Geronimo. Habang kumakanta ang dalagita ay sinasabayan ito ni Vice ng indak. Unang beses ding binigyan ng mga hurado ng standing ovation ang isang contestant sa live performances.

Dito na inamin ni Vice na inilaban niya si Zephanie noong nagpipilian pa lamang ng Top 12 dahil hindi siya kasama sa unang choices. Nabanggit pang nakitaan ng It’s Showtime host ang dalagita ng malaking tsansa, kaya binigyan niya ng pagkakataon. Ngayon ay gusto ni Vice na makitang makatuntong sa grand finals si Zephanie.

Maging si Regine ay inaming nakita niya kay Zephanie si Sarah noong contestant palang ang huli sa singing contest na Star for A Night (2003) kung saan isa siya sa hurado.

Pareho rin sina Moira at James na humanga nang husto kay Zephanie.

Ang sinasabing mahigpit na kalaban ni Zephanie ay ang acoustic singer na si Dan dahil bukod sa mataas ang text votes niya ay gusto rin siya ng mga hurado.

Maganda naman talaga ang boses ni Dan, pero para sa amin ay iisa ang tono. Kaya ba niyang kumanta ng hindi siya ang naggi-gitara para maiba naman?

Mabuti na lang at 50% ay manggagaling sa text votes at 50% ay sa judges para fair ang labanan at hindi dadaanin sa pera.

Gusto lang naming ibahagi na nu’ng audition palang ay nagustuhan na namin si Zephanie.

Sa isinagawang set visit sa ABS-CBN Center Road noong Hunyo 20 ay nabanggit namin sa mga katoto at Idol Philippines executive na magaling si Zephanie at malakas ang laban niya bukod kay Trish Bonilla.

Kaso nalaglag na si Trish dahil nagkamali at hindi siya naisalba ng text votes, dahil sa lakas ng dating niya baka maraming nairita sa kanya.

Si Zephanie na lang ang natira, feeling namin siya ang mananalong Idol Philippines.

-Reggee Bonoan