SUMASAILALIM ngayon sa on-the-job training ang may 100 out-of-school youth at mga estudyante sa isang demo-farm sa Barangay Hermosa, Bayambang, Pangasinan bilang mga miyembro ng Millennial Farmers Association of Bayambang (MFAB).
Ayon kay Angelica Andrea Garcia, focal person on good governance ng local government unit (LGU), layunin ng proyekto na gisingin ang interes ng mga kabataan sa sektor ng agrikultura.
“Many of the youth are no longer interested in agriculture as they see it dirty, messy, and (requires) hard work, so we wanted to entice them since our town already uses technologies or mechanization in farming,” pahayag ni Garcia sa isang panayam nitong Lunes.
Hulyo ng nakaraang taon, nagsimula ang organisasyon at mula noon ay dumadalo na ang mga miyembro sa iba’t ibang mga pagsasanay sa agrikultura.
“The members are between 16-24 years old, residents of this town, and they are given food and transportation allowance” ani Garcia. Dagdag pa nito, nagtataguyod ang mga demo-farm ng urban gardening at ang paggamit ng organic na pataba.
“We use urban gardening to encourage even those living in urbanized areas to still plant,” paliwanag niya.
Dagdag pa nito, maliban sa panghihikayat ng kabataan na sumabak sa agrikultura, nagtuturo rin ang LGU sa mga kabataan kung paano magtanim at malaman na puwedeng pagkakitaan at maging hanapbuhay ito, lalong-lalo na para sa out-of-school youth.
“They are still on the cleaning period of the farm and soon enough, they would plant and yield the result of their labor,” ani Garcia.
Hiniling naman ng LGU sa Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) na bigyan sila ng magagamit na kulungan ng isda lalo’t ang demo-farm na may sukat na 1,800 metro kwadrado ay malapit sa ilog.
“We would also want to teach about aquaculture,” dagdag nito.
PNA