PUNUMPUNO ng hugot ang new single na Ang Ating Alaala mula sa former acoustic band na Pusakalye, dahil tungkol sa pag-ibig at letting go ang awitin.

As the lyrics of the song goes: Ang ating alaala / bumabalik ang ating pag-ibig /ang nakaraan natin / hinding-hindi mabubura.

Ang bagong single ay inilunsad sa Music Hall in Metrowalk, kung saan nag-perform din ang Bita and the Botflies, High Hello, Banda ni Mayor, at This Band.

Sa pagpo-promote ng Ang Ating Alaala at pagsilang ng bagong tunog, kasama ang Pusakalye on a multi-date musical jaunt entitled the Kaladkarin Tour round bars in Quezon City, Makati City, and BGC in Taguig City.

Relasyon at Hiwalayan

Rayver Cruz, todo-bigay kapag nagmahal

Nagsimula lang sa pagtatanghal sa kalye, sa piling ng mga pusang gala—na siyang kuwento sa likod ng pangalan ng banda—noong 2014, ang Pusakalye ay binubuo nina Lester Binoya (bass), Angelo Cawili (rhythm guitar), Ian Mante (lead guitar), Almond Louis Mendoza (keyboard), Ace Perez (percussions), and Oli Tayo (vocals).

-REMY UMEREZ