Bago ang pinakahihintay na 30th Southeas Asian Games, gagawa muna ingay ang koponan ng 18-man national Jiu-jitsu specialist para makundisyon, sa kanilang pagsabk sa 2019 Asian Jiu-jitsu Championships in Ulaanbaatar, Mongolia simula ngayong araw na ito hanggang sa 22 ng Hulyo.

Mangunguna ang mga pambato ng Pilipinas sa jiu-jitsu na sina World Champions Margarita “Meggie” Ochoa (women’s -45kgs), Annie Ramirez (women’s -57kgs) at Gian Dee (men’s -62kgs) upang muling magbigay ng karangalan bago ang main event sa Nobyembre.

“We aim and expect to medal in every event. We expect mainstays to win gold and the others to medal, a bronze at least,” ayon sa head coach ng Philippine National Jiu-jitsu na si Hans Tio Co.

Unang nakasungkit ng ginto ang 29-anyos na si Ochoa noong nakaraang taon sa kanyang pagsabak sa Jiujutsu World Championship Baltiska Hallen sa Malmo, Sweden, bukod pa sa kanyang naiuwing bronze medalbuhat sa 2018 Asian Games sa Jakarta, Indonesia.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Tagumpay din ang naging kampanya nina Ramirez at Dee nang mag-uwi ng unang gintong medalya sa buhat sa Abu Dhabi World Professional Jiu-Jitsu Championship sa Mubadala Arena nitong Abril sa -55kgs at -61kgs purple belt category, ayon sa pagkakasunod.

Ayon kay Tio Co, ang mga national mainstays na sina Ochoa, Ramirez at Dee ay inaasahang magbibigay ng gintong medalya sa bansa, habang tutulong naman sa kampanya sina Marc Lim (men’s -69kgs), Apryl Eppinger (women’s -63kgs), Kaila Napolis (women’s -52kgs), Dean Roxas (men’s -85kgs) at Luigi Ladera (men’s +94kgs) sa pagkuha ng medalya sa SEA Games.

“We are hopeful that the that national team mainstays will medal,” wika ni Tio Co. Makakasama ring sasabak ng national mainstays sa Mongolia sina Jan Cortez (men’s -56kgs), Carlo Pena (men’s -56kgs) Myron Mangubat (-69kgs), coach Hansel Co (-77kgs), Christopher Gallegos (men’s -85kgs), Romeo Arellano (men’s 94kgs) Lemuel Basa (men’s +94kgs), Jollirine Co (women’s -48kgs), Kimberly Custodio (women’s -52kgs) at Andrea Lao (women’s -63kgs)

-Annie Abad