Ano nga ba talaga ang nais ni President Rodrigo Duterte para sa nalalapit na Southeast Asian games hosting?

Kamakailan nang lumabas ang balitang hindi na pahihintulutan ng Pangulong Duterte ang Philippine Southeast Asian Games Ortganizing Committee (PHISGOC) na mamahala para sa hosting ng nalalapit na biennial meet sa Nobyembre 30 hanggang Disyembre 10.

Ayon sa balita, nais umano ng Pangulo na siya mismo ang maging responsible sa pamamahala ng prestihiyosong event na magaganap sa bansa ngayong taong ito.

Nais umano ng Pangulo na ang Philippine Sports Commission (PSC) at ang Philippine Olympic Committee (POC) ang siyang maging punung-abala sa paghahanda para sa nalalapit na event.

Kinumpirma naman ito ni Presidential Spokesperson, Salvador Panelo kung saan aniya, umiiwasang Pangulo na mapasakamay ng pribadong sektor ang hosting ng SEA Games, upang maiwasan ang korupsyon.

'I really love you kuya!' Tapatang Pacquiao brothers, ekis mangyari!

“Yeah, he said he doesn’t want the foundation. Gusto niya gobyerno. Sabi niya, maraming corruption sa private, kaya nasisira diskarte ng mga nandyan, kaya gusto niya gobyerno na lang,” ani Panelo.

Dahil dito ay nakatakdang makipagpulong si Panelo mismo kay PHISGOC chairman Allan Peter Cayetano na matunog na tatakbo bilang Speaker of the House.

Nilinaw naman ni Panelo na wala namang binanggit ang Pangulo na kanyang iimbestigahan ang pamunuan ng PHISGOC, ngunit posible umano ang nasabing aktwasyon.

“I wasn’t able to talk to him (Cayetano) nga eh. Sabi ko, kausapin ko nga. I’ll talk to him today. He (Duterte) didn’t mention about investigation, but as a matter of standard procedure, corruption, it’s supposed to be the agency’s concern in investigating, will have to delve into that without being asked by the president,” pahayag ni Panelo.

Malinaw din umano na ang tanhging hangad ng Pangulo ay maisagaw ang maayos ang hosting ng SEA Games, kung sakaling mailulok si Cayetano bilang Speaker of the House ay posibleng mahairapan umano ito na balansehin ang pagpapatakbo ng PHISGOC at ang Kongreso.

“Baka mahirapan si Cong. Cayetano kung siya ang speaker. How can he even have time for that,” ayon pa kay Panelo.

Nilinaw din ni Panelo na hindi si Cayetano ang tinutukoy ng Pangulo na maaring masangkot sa korupsyon, gayung mismong ang Pangulong Duterte ang siayng naglagay sa una upang pamunuan ang PHISGOC, dahil sa mga naunang alegasyon bago pa man pumasok ang Kongresista.

“Definitely not. Not this Cayetano Parang nabanggit niya na daming pulitika dyan sa private. Hindi naman kasi Cayetano just entered recently. Kaya nga siya pinapasok because of those allegations,” ani Panelo.

-Annie Abad