LABIS-LABIS muli ang pasasalamat ni Max Collins sa bagong acting award na natanggap niya last Sunday, July 14, as Best Supporting Actress mula sa Society of Philippine Entertainment Editors (SPEED), the Editors’ Choice Awards for Movies or the EDDYS.

Max

Si Max ang napili nilang Best Supporting Actress para sa pivotal and challenging role niya sa Citizen Jake na idinirek ni Mike de Leon.

Sa kanyang Instagram wall, post ni Max, “Salamat Lord, salamat EDDYS! A dream come true. Sharing this one with you Direk Mike, ang the whole #CitizenJake team. Maraming, maraming salamat #EDDYS2019.

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

Tumanggap ng maraming pagbati si Max dahil talaga namang every project na gawin niya, movie or television shows man, ay laging napupuri ang skills niya. Gaya ng ginagawa niya ngayong serye sa GMA Afternoon Prime drama series na Bihag, kayang-kayang gampanan ni Max ang role ng isang inang nawalan ng anak, nahiwalay din sa asawa dahil sa isang babaeng obsessed na makuha ang asawa niya. Although may asawa na si Max (si Kapuso actor Pancho Magno), ay wala pa silang anak.

Maraming pagbating natanggap si Max mula sa mga kasamahan niya sa industriya, at may mga netizens ding nag-wish sa kanya na, “next recognition sana as Jessie in Bihag!”

“You deserve more than anything of that. You are such an inspiring actress from this generation, job well done! Rooting for your shows’ success,” sabi ng isa pa.

Napapanood araw-araw ang Bihag after Dragon Lady sa GMA 7.

Samantala, nangako naman si Max na gagawin niyang inspirasyon ang mga natanggap na awards para mas pagbutihin ang pagganap sa mga proyektong ibinibigay sa kanya.

-NORA V. CALDERON