MAKARAAN ang magkasunod na pagkatalo sa world title bids sina Arthur Villanuena at Jonathan Taconing nitong Hulyo, magtatangka si WBA Asia minimumweight titlist ArAr Andales ng Pilipinas na maisuot ang WBA minimumweight title sa kampeong s Thammanoon Niyomtrong sa Agosto 2 sa Bangkok, Thailand.

Maituturing na rookie boxer pa lamang ang 19-anyos at tubong Allen, Northern Samar na si Andales, ngunit sa kartadang perpektong 10 panalo, 2 lamang sa pamamagitan ng knockouts, ay masasabing handa na siyang pumalaot sa bigtime boxing.

Bukod sa ranked No. 5 siya kay Niyomtrong, kilala rin bilang “Knockout CP Freshmart” sa Thailand, nakalista rin si Andales na No. 13 contender sa WBO rankings na kampeon ang Pilipinong si Vic Saludar.

May rekord si Niyomtrong na perpektong 19 panalo, 7 sa pamamagitan ng knockouts at lahat ng laban niya ay ginanap sa Thailand maliban ang magdepensa siya at manalo sa puntos laban kay Chinese Chaozhong Xiong na ginanap sa Qingdao, China.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

-Gilbert Espeña