Sulyapan mo ang partial lunar eclipse bukas ng madaling araw—dahil last na ito ngayong taon.

Matutuwa ang mga stargazers sa malaking bahagi ng mundo, kabilang ang Pilipinas, sa huling partial eclipse ng buwan ngayong taon.
Masisilayan sa Pilipinas ang partial lunar eclipse bandang 2:42 ng umaga bukas, Miyerkules, na magtatapos ng 8:19 ng umaga, ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA).
Makikita rin ang eclipse sa Australasia at Asia, maliban sa hilaga-silangang bahagi, sa Africa, Europe, maliban sa hilagang Scandinavia, at sa malaking bahagi ng South America.
-Ellalyn De Vera-Ruiz