KABILANG sa bucket list ni Mark Oblea ang mabilhan ng bahay at lupa ang nanay niya sa Cavite City, dahil hanggang ngayon ay nangungupahan pa rin daw sila.

Mark at Jameson

“Alam mo naman, ‘di ba, na simula pa lang, ito ang parati kong sinasabi, na mabigyan ko sila ng house and lot. Tapos okay na ako. Saka na ang sarili ko,” ito ang bungad ni Mark sa #PPPGrandLaunch2019 mediacon sa Sequioa Hotel sa Quezon City nitong Hulyo 11.

At sa singing career naman ni Mark, nasa bucket list niya na makapuno siya ng isang Coliseum—kung saan siya lang ang performer—pagdating ng tamang panahon.

Vic Sotto, nasaktan sa ginawa ng TAPE sa Eat Bulaga

Sa mga hindi nakakaalam, finalist si Mark sa reality show na Pinoy Boyband Superstar.

“Isa pang gusto kong gawin ay skydiving, kasi takot ako sa heights, kaya gusto kong i-conquer ‘yung fear ko, kasi you only live once, 24 [years old] na ako,” sabi pa ni Mark.

Kaya ang pag-arte niya sa harap ng camera ay on the side na lang, pero na-enjoy naman daw niya ito, lalo na sa pelikulang G! mula sa Cineko Productions, na idinirek ni Dondon Santos.

“Saya ng feeling, kasi ‘yung unang role ko na gaganapan ko, lead kaagad. So sobrang grateful na, lalo’t itong first movie ko ay nakapasok pa sa 3rd Pista ng Pelikulang Pilipino.

“Dati nakasali ako sa PPP pero kumanta (guest) ako nang isang single, ‘yung Fiona. Isa sa theme songs ng Bakwit Boys. This year, heto kasama na sa pelikula at lead role pa,” nakangiting sabi ni Mark.

Hindi miyembro ng Hashtag dancers si Mark, na tulad nina McCoy de Leon, Paulo Angeles, at Jameson Blake pero hindi raw nailang ang binata.

“Sobrang hindi, kasi first day (shooting) harutan na kaagad, as in, na para ma-feel din namin na magkababata rin kami (talaga). Hindi ko lang alam kung papaano sa promo kasi hindi naman ako dancer, tingnan natin,” kuwento ng singer/actor.

Inamin ni Mark na sa tatlong Hashtag ay kay Paulo siya nailang noong una.

“Nu’ng una, si Paulo kasi hindi kami totally magkakilala. I mean kilala ko siya, pero hindi personal. Ang lagi kasing first impression sa akin maangas. At iyon ang unang nakita sa akin ni Paulo. Tapos nu’ng nagkausap na kami, sabi niya, ‘hindi naman pala (maangas)’.

“Ganu’n naman talaga ang laging sinasabi sa akin kapag bagong kakilala, pero hindi talaga ako ganu’n,” say ng binata.

And it turned out na si Paulo pa ang naging ka-close ni Mark, kumpara kina McCoy at Jameson.

Paano ihahambing ni Mark ang tatlong Hashtags members?

“Si Paulo ‘yung pinak-makulit sa set. At siya rin ang lagi kong kausap kasi nagkasundo kami sa classic songs. As in lumang-luma, mga ‘50s ganu’n.

“Kami talaga ‘yung into it talaga. Old soul talaga. Hindi ko sure kung kumakanta siya,” nakangiting kuwento ni Mark.

Sina McCoy at Jameson naman daw ay parehong mahilig sa mga usong kanta ngayon.

As of now ay tinatapos na ni Mark ang album niya sa Universal Records.

“Three songs na lang ang kulang. Sa teleserye, may hinihintay pa. Wala rin akong girlfriend now, saka na hirap ng buhay ngayon,” sabay ngiti ng bagitong aktor.

Tatlong taon na si Mark sa showbiz at umaasa siyang matutupad lahat ang pangarap niya pagdating ng araw, sa tulong na rin ng Cornerstone Talent Management.

-Reggee Bonoan