Naghahanda na si Eduard “Landslide” Folayang  para sa pinakamatindi niyang laban.

Sa darating niyang laban kay Eddie “The Underground King” Alvarez ay nalipat na sa ONE Lightweight World Grand Prix semi-finals.

"This will be an explosive fight," sabi ni Folayang.

“What I can promise is that this will be a great fight because we’ve worked hard for it during training,” dagdag niya.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Ang dalawa ay maghaharap sa ONE: DAWN OF HEROES kapag nagbalik ang The Home Of Martial Arts sa Mall of Asia Arena sa Agosto 2.

Nalipat ang laban mula sa alternate bout papunta sa semi-final contesr matapos ang knee injury ni Timofey Nastyukhin.

"First of all, I'm wishing Timofey a fast recovery,” sabi ni Folayang. “That’s our life as athletes. You don’t expect to get injured.”

“I’m excited because now we’re officially part of the Grand Prix, but of course I have to win. All of that won’t mean anything if I don’t win,” dagdag niya.

Ang pagharap kay Alvarez at pagkakaroon ng pagkakataon sa World Title ay lalong naengganyo si Folayang sa laban na ito.

“The mindset is to get in there, win, and beat a big name. That’s the aim, that’s the goal,” sabi ni Folayang. “I wasn’t supposed to be here in the first place, and I’m happy for this opportunity. Now it’s all about making the most of it.”