BINATI ni Marian Rivera ang asawang si Dingdong Dantes sa pagkakapanalo ng huli ng Best Actor award sa 3rd Entertainment Editors Choice (Eddys) Awards nitong Linggo ng gabi.

Dingdong

Nanalo ang aktor sa pagganap niya sa Sid and Aya, katambal si Anne Curtis.

“Congratulations, mahal ko!” ang ikinomento ni Marian sa ipinost ni Dingdong na litrato ng trophy nito at ng mismong picture nito habang hawak ang trophy.

Relasyon at Hiwalayan

Kobe Paras, naka-three point shot na ba sa puso ni Kyline Alcantara?

Caption ni Dingdong, “I give back all the glory to you, Lord. Salamat, Eddys, sa pagkilala.”

Hindi lang si Marian ang nag-congratulate kay Dingdong, pati ang ibang mga kaibigan niya at kaibigan nila ni Marian ay bumati rin sa aktor. Pinasalamatan din naman ni Dingdong maging ang mga kaibigan niya sa kabilang network at sa Viva.

Ang ganda ng takbo ng career ni Dingdong ngayon, dahil bukod sa pagiging host ng StarStruck 7, malapit na ring simulan ang taping ng teleserye niya sa GMA-7 na Descendants of the Sun.

Ginagawa rin ni Dingdong para sa Viva Films ang Philippine adaptation ng hit Korean movie na A Hard Day, at may isang pelikula pa siyang gagawin.

Sunud-sunod din ang launching ng mga bagong endorsement ni Dingdong, gaya ng Mesa, Caltex, at napapanood na rin ang TVC niya with dancer-choreographer Geleen Eugenio para sa adult supplement milk na Ensure Gold.

And of course, very happy ang family at married life ni Dingdong sa piling ni Marian at mga anak nilang sina Zia at Ziggy.

-NITZ MIRALLES