MULING sinagip ni southern superman Billy Ray Robles ang buhay ng Davao CocolifeTigers sa palabang opensa tungo sa 69-67 panalo kontra Pasay sa pagpapatuloy ng elimination round ng Lakan Season 2019-2020 Maharlika Pilipinas Basketball League(MPBL) kamakailan sa Pasay Astrodome .

Maagang umarya ang tropang Pasay sa unang quarter pa lang sa pagputok ng opensa nina Melvin Chan at Jan Jamon pero inabutan sila ng ragasang paghabol ngTigers. sa pasiklab na laro ng mga bagito nito at ng masasandsalsng beteranong si Mark Yee sa opensa at board upang sila naman ang dumistansiya sa third quarter ng double digit.Tinapyas ito ng Pasay tampok ang tres ni shooter Ron Lasrimosa upang umabante naman ang Pasay,61-60 ,5:47 ng final quarter.

Dikit ang laban hanggang sa krusyal na endgame kung saan ay tabla sa 67 ,28 ticks na lang at Pasay ang opensa.

Isang humahaginit na tres ang pinawalan at minintis ni Lastimos,17 segundo ang nalalabi upang bumalik sa Davao ang possession.Matapos ang timeout at idinisenyo ni Tigers coach Don Dulay ang atake kay Robles na siyang nasunod at isang barreling drive nito ang nagpanalo sa koponang Mindanao ni Dumper Party List Rep.Claudine Bautista na inaayudahan nina Cocolife President Atty.Jose Matin Loon,FVP Joseph Ronquillo,AVP Rowena Asnan at SVP Franz Joie Araque.

Romualdez, pinasalamatan tennis player na si Alex Eala

‘ Stay focus lang sa endgame at higpit sa depansa. Last game kasi relax lang kaya di na ito puwede kahit sino kalaban”, wika in Yee na is a sa eksplosibong manlalaro ng ligang inorganisa in Senator Manny Pacquiao.