NASUNGKIT ng Philippine floorball team ang bronze medal sa Asia Oceania Floorball Confederation Cup matapos manaig sa South Korea, 6-5, sa overtime nitong weekend sa Alonte Sports Arena.

Naisalpak ni Ryan Hallden ang golden goal para sa Team Philippines para makumpleto ang panalo matapos mabitiwan ang 5-3 bentahe.

Nagawang maitabla ng Koreans ang laro tungo sa overtime mula sa goal nina Baek Seung-Hoon at Lee Eu-Sung.

Ngunit, kinasihan ng suwerte ang Pinoy nang patawan ng penalty si SoKor star player Kang Jung-Yeol at binigyan ng dalawang minutong pahinga s abench bunsod ng hard foul. Sa kanyang pagkawala, nakasingit si Hallden para sa tagumpay ng host team.

Bunsod ng panalo, nahigitan ng Team Philippines ang ika-walong puwesto na pagtatapos sa torneo noong 2017 sa Thailand.

'I really love you kuya!' Tapatang Pacquiao brothers, ekis mangyari!