HABANG nasa backdrop ang tanyag na Eiffel Tower magiting na nakipaglaban ang Makati FC’s Boys 14 squad sa pamumuno ng tubong Bacolod na si Lance Locsin bago yumukod sa CFFP Paris sa iskor na 1-2 sa kanilang championship match sa Stade Emile Anthoine 1.

Ganito rin ang kapalaran ng Makati FC Boys 13 squad na kumatawan sa bansa na pinamunuan naman ni Julio Yoldi ng Dumaguete dahil bigo rin ,ang mga ito sa also US Villejuif , 1-2 sa finals ng kanilang division.
Ngunit, para sa mga team officials ng dalawang Makati FC youth teams, magandang pampagana na ito para sa gagawing pagsabak nila sa Gothia World Youth Cup na magsisimula ngayong araw na ito sa Gothenburg, Sweden.
Nakaabot ng championship ang Makati FC’s Boys 14 (2006) matapos manguna sa Group B ng knockout stages makaraang makatipon ng 9 na puntos pagkatapos walisin lahat ng kanilang laro kontra France’s JSC Pitray Olier (3-0), Bibo Football Academy (2-0), United States’ XL National Boys (4-0), at La Tamponnaise (2-0).
Nanguna naman ang Makati FC’S Boys 13 (2005), sa Group C ng kanilang division makaraang padapain ang Bangladesh’s Banglore Academy (16-0), France’s
JSC Pitray Olier White (9-0), Turkey’s Aci Genclik Spor Kulub (2-0), France’s CFFP Paris (2-1), at Canada’s Faly Academy (2-1).
“Best thing about this tournament was the level of football games our teams got to play. All the games were very tough and the opponents were very strong. And for our teams to play on the same level of comepetition, is proof that this program is getting us closer to our goal of making these kids world class athletes,” pahayag ni Makati FC chief executive officer SeLu Lozano.
“The size difference and the advantage physically of the teams our kids played against is a big takeaway having them exposed to that as early as now,” dagdag nito.
Ito na ang ika-37 sunod na pagsali ng Makati FC sa Gothia Cup kung saan isasabak nila ang limang koponan (Boys 2005, 2006, 2007, 2008, and Girls 2005)na may kabuuang 70 manlalaro.
Itinuturing na world’s largest at most participated international youth football tournament, ang Gothia Cup ay muling nakaakit ng 1,700 teams mula 80 mga bansa sa buong daigdig at may kabuuang 4,500 games na lalaruin sa 110 fields.
“Everyone is hungry to play some more and we’re very excited to be in Gothia World Youth Cup next,” aniya.
-MARIVIC AWITAN