MARAMI ang naghiyawan nang ipalabas ang trailer ng pelikulang The Cuddle Weather, na kasama sa 3rd Pista ng Pelikulang Pilipino (PPP) simula Setyembre 13-19, sa ginanap na #PPPGrandLaunch2019 dahil talagang nagpakita ng flesh ang bidang si Sue Ramirez at may love scenes pa sa leading man niyang si RK Bagatsing.

Sue

At ‘tila nanunukso pa ang aktres dahil nu’ng tawagin siya sa entablado ay ipinakita niyang wala siyang suot na bra, na ikinatawa ng mga dumalo sa mediacon.

Nang makapanayam nang solo si Sue ay tinanong namin kung pinayagan siya ng boyfriend niyang si Joao Constancia ng Boyband PH sa mga maseselan nitong eksena sa pelikula.

Pelikula

FL Liza Marcos, ilang senador dumalo sa VIP screening ng 'Hello, Love, Again'

“Actually, hindi ako nagpaalam! Guys, hindi ninyo kailangang magpaalam para sa mga bagay na gusto ninyong gawin,” sagot ni Sue.

“Kung mahal kayo (karelasyon), rerespetuhin niya ang mga desisyon ninyo. Sasabihin mo sa kanya pero hindi niya kailangang payagan ka or pigilan ka, hindi ‘yun. Hindi ‘yun permiso, kinukuwento mo lang (mga eksenang gagawin),” paliwanag ng aktres.

Mukhang hindi nga affected si Joao dahil ang poster ng The Cuddle Weather ay ini-share pa niya sa kanyang Facebook page, with trailer pa, huh.

“’Yun din naman ang natutuwa ako kasi (open minded), ‘yun nga. Masuwerte ako. Hindi pa niya nakikita ‘yung trailer kasi ngayon palang na-release, pero babalikan ko po kayo diyan,” tumatawang saad ng aktres.

Oo nga, kasi 12:00 ng tanghali ang mediacon ng #PPPGrandLaunch2019 nitong Hulyo 11 at ipinost ni Joao ang trailer ng 10:18 ng gabi sa parehong petsa.

Dagdag pa, “Inaabangan ko rin ngayon (sabay hawak sa cellphone) kung anong reaksyon niya sa trailer.”

Ano ang tingin ni Sue sa magiging reaksyon ni Joao kapag napanood na nito ang kabuuan ng trailer?

“Na-explain ko naman sa kanya ‘yung every shooting kung anong eksena ang ginawa ko. Atleast na-inform siya kaysa sa iba pa niya malaman or late na niya malalaman kaya tanggap na niya dapat,” saad ni Sue.

Sa unang pagkakataon ay inamin na ng aktres na magdadalawang taon na ang relasyon nila ni Joao.

Dahil umaarte-arte na rin sa harap ng camera ang binata ay okay lang ba kay Sue na maghubad din ang jowa niya?

“E, di sige kung kaya niya o kung gusto niya, depende naman ‘yun sa kanya, eh,” napangiting sagot ng dalaga.

Hindi naman daw konserbatibo si Joao at okay naman sa kanya ang kahit anong role, nasa sa kanya na lang kung tatanggapin niya ang mga ganu’n klaseng offer.

Sa unang pagkakataon ay may awards night na ang PPP kaya tinanong si Sue kung umaasa ba siyang makatatanggap ng Best Actress award dahil nga challenging ang karakter niya bilang si Adelle, kung saan unang beses niyang gumanap na pokpok.

“Hindi po,”mabilis na sagot ng aktres. “Kaming mga artista po ay nagta-trabaho hindi para makakuha ng award kung (mayroon) bonus na lang po ‘yun sa amin kapag may mga ganyang dumating na blessing.

“At the end of the day, sabi nga ni ate Arci (Munoz), we want to tell a story. And we want to portray our characters and we don’t want to disappoint the makers of the characters that we’re portraying. Gusto naming mapasaya ‘yung mga taong nanonood more than kam (artista). Fulfilling na sa amin na mapanood ng lahat ang movie (lalo na kapag kumita),” paliwanag ng dalaga.

Ang The Cuddle Weather ay mula sa direksyon ni Rod Marmol produced ng Project 8 San Joaquin Projects at Regal Entertainment.

-REGGEE BONOAN