IBINUNYAG ni Channing Tatum na sumasailalim siya sa therapy sa isang kakatwang rant niya dahil sa isang astrology app.
Sa video na ipinost ng 39-anyos na aktor sa Instagram at Twitter, sinabi niyang nababahala siya sa pagiging tumpak ng app na The Pattern, na kaka-download lang ng aktor, iniulat ng Cover Media.
Sinabi ni Channing sa kanyang 26 na milyong followers na ang libreng app ay “listening” sa kanyang mga pakikipag-usap sa pamamagitan ng kanyang cell phone makaraang aminin niyang siya ay sumasailalim sa counselling.
“I was just in therapy yesterday, yeah, I’m in therapy, whatever. Everybody should be in therapy—and I just get a notification on my phone this morning... using the exact words we were using in therapy,” anang aktor.“Is the phone listening? Are you listening through my phone and then just regurgitating the stuff that I’m afraid of?” tanong ni Channing, bago niya hiniling sa kumpanya na makipag-ugnayan sa kanya matapos siyang mabahala sa mga personalised messages na natatanggap niya sa app araw-araw.
“How do you know what you know about me, Pattern?” tanong ng bida ng pelikulang Step-Up.
“People of The Pattern, people that use The Pattern, you need to DM (direct message) me right now and tell me how you know this stuff. I don’t even know if I want to know this stuff. I don’t know if anybody should know this stuff!” dagdag pa ng aktor.
Sa sagot na ipinost sa official Instagram account ng app, sinabi nito sa bida ng 21 Jump Street na dahil sa video ni Channing ay dinagsa ng maraming tao ang website ng The Pattern hanggang sa mag-crash ito.