CLASS, pulido, malinis at mahusay ang awarding rites nitong nakaraang Linggo ng gabi ng 3rd Entertainment Editors Choice (Eddys) Awards sa New Frontier Theater, hosted by Korina Sanchez sa direksiyon ni Calvin Neria.
Red carpet hosts sina Juancho Trivino at Arra San Agustin samantalang si Lourd de Veyra ay nagsilbing anchor ng Parangal sa Sandaan na iginawad kina Tommy Abuel, Pepito Rodriguez, Perla Bautista, Lorli Villanueva, Robert Arevalo at Odette Khan. Pinarangalan din sina Amalia Fuentes, Vilma Santos, Tirso Cruz III, Christopher de Leon, Joseph Ejercito Estrada, Eddie Gutierrez, Dante Rivero, Celia Rodriguez, Anita Linda at Lorna Tolentino.
Ang Joe Quirino Award ay ipinagkaloob kay Cristy Fermin, ang Manny Pichel Award kay Ethel Ramos, Producer of the Year ang Star Cinema, Rising Producers’ Circle ang Spring Films at ang T-Rex Entertainment, Lifetime Achievement awardee si Elwood Perez at may posthumous award para kay Dolphy.
Nagtanghal sina Kuh Ledesma, Ice Seguerra, Aicelle Santos, Gerald Santos, Rayver Cruz, Lara Maigue, Bituin Escalante, Rita Daniela, Hashtag Rayt, Jem & Andrea, Sean Oliver at BOU.
De-kalidad, pulido, at malinis pa rin ang pagpili sa winners ng Society of Philippine Entertainment Editors (SPEED) na pinamumunuan ng presidente ngayon na si Ian Fariñas ng People’s Tonight.
Ipinagpapatuloy ng SPEED ang nasimulang tradisyon ng Eddys sa secret balloting na tanging accounting firm lamang ang nakakaalam ng winners. Sa gabi ng parangal na lamang ito nalalaman maging ng officers at members ng SPEED.
Bagamat kinasanayan na ang leakage ng winners sa iba’t ibang award-giving bodies upang matiyak ang pagdalo ng mga tatanggap ng awards, pinananatili ng Eddys ang pagiging sagrado ng resulta ng pilian, kapalit siyempre ang hindi pagdating ng kanilang winners.
Isa ito sa pinakamakabuluhang tradisyon na maibabahagi ng mga miyembrong editors sa entertainment industry. Common knowledge na karamihan sa dumalo sa award-giving ceremonies ay may idea nang sila ang tatanggap ng awards.
Sa Eddys, sagrado ang parangal.
Kaya sa katatapos na 3rd Eddys, kahanga-hanga ang pagdalo nina Dingdong Dantes at Piolo Pascual na magkatunggali sa Best Actor category. Ipinapakita lamang ng kanilang attitude ang isa sa mga dahilan kung bakit sila ang pinakasikat at itinuturing na top actors ng kanya-kanyang home network.
Naririto ang winners sa 3rd Eddys Awards:
Best Picture - Liway
Best Actor - Dingdong Dantes (Sid & Aya)
Best Actress - Kathryn Bernardo (The Hows of Us)
Best Supporting Actor - Arjo Atayde (Buy Bust)
Best Supporting Actress - Max Collins (Citizen Jake)
Best Screenplay - Zig Dulay (Liway)
Best Director - Joel Lamangan (Rainbow Sunset)
B e s t i n Cinematography - Yam Laranas (Aurora)
Best Editing - Chuck Gutierrez (Liway)
B e s t S o u n d - Bakwit Boys (T Rex Entertainment)
Best Musical Score - Paulo Protacio (Bakwit Boys)
Best Original Theme Song - Maybe The Night by Ben and Ben (Exes Baggage)
Best Visual Effects - Gem Garcia & Ernest Villanueva (Aurora)
Best Production Design - Roy Lachica (Goyo: Ang Batang Heneral)
Manny Pichel Award - Ethel Ramos
Joe Quirino Award - Cristy Fermin
Rising Producers’ Circle - Spring Films and T-Rex Entertainment
Producer of the Year - Star Cinema
Lifetime Achievement Award - Elwood Perez
Posthumous Award - Dolphy
BeauteDerm Red Carpet Choice - Lorna Tolentino
Ang 3rd Eddys ay produced ng Echo Jham Entertainment Productions, presented by Cignal TV at mapapanood sa Colours (Channel 60 SD at Channel 202 HD) sa July 21, 9 PM.
-DINDO M. BALARES