Inihahanda na ang kasong administratibo laban sa 9 miyembro ng South Cotabato Provincial Police Office (SCPPO) matapos ang isinagawang inspeksyon ng National Police Commission (Napolcom).

POLICE

Sinabi ni Police Col. Joel Limson,director ng SCPPO, na nakitaan ng Napolcom ng lapses ang 13 pulis na nakatalaga sa Tantangan Municipal Police Station (TMPS) gaya ng saradong pintuan at walang tao na naka-assign sa front desk.

Samantala, nakasalalay umano ang kapalaran ni Tantangan chief of police Captain Romeo Alba sa imbestigasyon kung ire-relieve ito o hindi.

National

Ilang retiradong AFP at PNP officials, sumulat kay PBBM; inalmahan 2025 nat'l budget?

Sa ngayon ay inilipat ang mga na-relieve na mga pulis sa SCPPO Headquarters habang dinidinig pa ang kaso.

Binigyang-diin ni Limson na bahagi ito ng internal cleansing operation ng PNP.

Sa kabilang banda, tiniyak nito ang mahigpit na seguridad sa gitna ng pagdiriwang ng Tnalak Festival 2019 sa lalawigan ng South Cotabato.

-Fer Taboy