WIMBLEDON, England (AP) — Muli, umuwing luhaan si Serena Williams.

Tinanghal na women’s open champion si Simona Halep matapos magapo ang liyamadong si Williams , 6-2, 6-2, sa championship match ng Wimbledon nitong Sabado (Linggo sa Manila).
Nabigo si Williams sa target na ika-24 Grand Slam title, habang ipinagdiwang ni Hale pang unang tagumpay sa All England Club.
“She literally played out of her mind. Congratulations, Simona. It was a little bit ‘a deer in the headlights’ for me,” pahayag ni Williams. “So, I mean, whenever a player plays that amazing, you just kind of have to take your hat off and give them a nod of the head.”
Matikas ang laro ng No. 7 seed na si Halep.
Nakipagsabayan ng husto si Halep para makamit ang ikalawang sunod na majot title kasama ang naunang French Open.
“Well, I had nerves. My stomach was not very well before the match,” sambit ng 27- anyos na Romanian, “but I knew there is no time for emotions. I just came on court and I gave my best.”
Sa nakalipas na season, olats din si Williams sa straight sets kay Angelique Kerber, gayundin kay Naomi Osaka sa U.S. Open nitong September. Hindi pa nagwawagi ang 37-anyos na si Williams mula noong 2017 Australian Open. Nagsilang siya sa kanyang unang anak matapos ang naturang torneo.
“Just got to keep fighting,” pahayag ni Williams. “and just keep trying.