KAHIT maraming naging babae sa buhay ng ating National Hero na si Dr. Jose P. Rizal ay may mga pagdududa pa rin sa kanyang pagkalalaki dahil daw hindi niya pinakasalan ang live-in partner niyang si Josephine Bracken.

eugene

Pero para kay Eugene Domingo, na pangunahing bida sa digital series na Ang Babae sa Septic Tank 3, na mapapanood na ang seven episodes sa iWant sa Miyerkules, Hulyo 17, hindi bakla kundi pabibo si Rizal.

“Actually maraming tsismis, pero may tsismis na siya ang tunay na ama ni (Adolf) Hitler, 4’11” lang siya,” sabi ni Eugene.

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

“Makikita ninyo ‘yung facts or tsika galing kay Sir Ambeth Ocampo, mayroon ding interpretation sa script,” dagdag niya, tinukoy ang kilalang historian.

“Pero para sa akin, hindi siya bakla! Para sa akin si Jose Rizal ay bida-bida,” sabi ni Eugene, na umani ng tawanan ng lahat ng nasa mediacon para sa nasabing digital series niya.

“Totoo, kasi genius, eh. Pabida talaga, ang dami niyang alam. Ang dami niyang kayang gawin. Hyper siya, ang lakas ng dating niya, ang liit-liit naman niya, 4’11”.

“Tapos ang bata-bata pa niya, nakalibot na siya ng Europe. Ang dami niyang alam na lengguwahe, doktor pa siya. Kaya siguro siya naging National Hero.”

Sa nasabing serye kasi ay gaganap si Uge bilang Josephine Bracken.

Kilalang mahusay na aktres si Uge, kaya natanong kung type niyang maging direktor din, dahil matagal na rin naman siya sa industriya ng showbiz.

Marami kasing artista na kalaunan ay sumasabak sa pagdidirek.

Mabilis ang naging sagot ni Uge, “Never. I don’t really like it. Marami ang nagtatanong, ‘nagdidirek ka ba?’ or ‘teacher ka ba?’ No, I don’t have any dream of becoming a teacher or a director. I am always a student.

“Wala akong tiyaga. Pero if I need to learn another skill in this field, siguro I would rather become an editor or a cinematographer. ‘Yun, mas astig for me.

“Kasi ‘yung director parang umaga pa lang, ‘Direk, ‘yung ganito’. Mula sa kulay ng panty ni ganito hanggang doon sa kung paano iiyak. Hay, jusko, napaka-stressful.

“Tapos hindi pa ‘yan natatapos on the day of the shooting. Alam mo ‘yung mga director, bago matulog hanggang magising, ‘yun agad. Nakakapangit!

“I’m so sorry. I really admire (directors). It is a calling. It is not just ‘o, magdirek ka’, tapos lahat tatawagin nila para magdirek, director na. I mean, this is really a serious job.”

Ang writer ng pelikula na si Chris Martinez ang nagsabing dapat may part 3 ang Babae sa Septic Tank dahil inaabangan talaga ito, lalo na dahil ang nauna ay itinampok sa Cinemalaya 2011, habang ang ikalawa naman ay sa Metro Manila Film Festival (MMFF) 2016 isinali.

At itong part 3 ng movie version ay kabilang sa 2019 Cinemalaya for exhibition simula sa Agosto.

Sabi nga nina Direk Chris, Uge, at ng Quantum producer na si Atty. Joji Alonso, “giving back bilang pasasalamat sa suportang ibinigay nila sa first Babae sa Septic Tank.”

Anyway, Ang Babae sa Septic Tank: The Real Untold Story of Josephine Bracken ay pitong episodes na mapapanood nang dire-diretso, kaya hindi mabibitin ang lahat kung ano ang ending.

“‘Yun naman talaga ang inaabangan ng lahat di ba, ‘yung ending? Mas matindi, sobra talagang mapapa-ano ka, basta grabe!,” say ni Uge.

Kung sa una ay lumubog siya sa imburnal na puro tae, at sa ikalawa ay nabuhusan siya ng isang buong tangkeng (katulad ng nagde-deliver ng gas) naglalaman ng halu-halong klase ng tae, abangan daw ang ikatlo, dahil mas matindi pa ito sa dalawang nauna.

Sabi naman ni Direk Chris, “Sa panahon ng pandaraya, fake news, at pagbabago ng kasaysayan ngayon, Ang Babae Sa Septic Tank 3: The Real Untold Story of Josephine Bracken ang pinaka-nakakatawa, pinakamahalaga, at pinakanakakatuwang series na mapapanood n’yo sa iWant, at kahit saan pa.”

Produced ng Quantum Films at Dreamscape Digital, kasama rin sa Ang Babae sa Septic Tank 3 series sina Tony Labrusca, Direk Jose Javier Reyes, at maraming iba pa.

Abangan ang pitong episodes nito simula sa Wednesday, Hulyo 17, sa iWant app (iOs at Android) o sa iwant.ph.

Para sa updates, i-like ang www. facebook.com/iWant, sundan ang follow @iwant sa Twitter at @ iwantofficial at @dreamscapedigital sa Instagram, o mag-subscribe sa www.youtube.com/iWantPH.

-REGGEE BONOAN