DAVAO CITY – Nagpahayag ng pagkaalarma ang Save Our Schools (SOS) Network sa utos na inilabas ng Department of Education (DepEd) hinggil sa pagpapasara ng 55 Salugpongan Ta’ Tanu Igkanogon Community Learning Center, Inc. sa Davao region base sa ulat ng militar na nagtuturo ang mga paaralan ng mga estudyante ng ideolohiya ng mga komunista laban sa pamaahalaan.

Binatikos ng SOS si Education Secretary Leonor Briones dahil sa pagtanggi nito sa imbitasyon para sa isang diyalogo kasama ang school representatives  upang malaman ang kalagayan ng mga lumad.

Dismayado ang grupo sa kung paano umano ibinababa ng DepEd ang sarili “as a stamp-pad for the military who have targeted the closure of Lumad schools in Mindanao” na bigong protektahan at ipaglaban ang karapatan ng mga bata para edukasyon.

Binanggit din nila ang pagkabigo ng DepEd-Davao upang mabigyan ang Salugpongan officers ng “due process” bago ilabas ang kautusan.

National

VP Sara sa mga manggagawa: ‘Nawa’y manatili tayong matatag para sa tunay na kaunlaran’

Bago ang closure order, sinabi ng grupo na tanging 11 na lamang mula sa 55 paaralan ang bukas matapos umanong isara ng militar at paramilitary ang kanilang mga paaralan at sirain ang ilang gusali sa lugar.

Samantala, bilang pagbanggit sa ulat ni National Security Adviser Hermogenes Esperon, sinabi ni DepEd-Davao regional director Evelyn R. Fetalvero na ang pagpapasara ng mga paaralan ay dulot ng pagkabigo nito na magturo ng naaayon sa guidelines ng DepEd, paggamit ng mga bata sa mga rally, at pagtuturo sa mga bata ng ideolohiya laban sa pamahalaan.

-Antonio L. Colina IV