Arestado ang dalawang lalaki, na umano’y umamin sa pagnanakaw ng mga gamit, gaya ng mga TV sets at printers, sa siyam na pampublikong paaralan sa iba’t ibang bayan sa Oriental Mindoro, sa walong magkakasunod na araw.

MAULING

Nagkakahalaga ng P270,000 ang mga gamit na nakuha ng grupo na pinangungunahan umano ni Christopher Saurin, sa siyam na public schools sa mga bayan ng Pola, Bansud, Gloria at Roxas sa Oriental Mindoro mula noong Hunyo 29 hanggang Hulyo 6.

Pagbabahagi ni Brig. Gen. Tomas Apolinario, director of the MIMAROPA regional police, unang nakatanggap ng reklamao ang pulisya hinggil sa kaso ng nakawan sa isang paaralan noong Hunyo 29 ngunit nagsimula na umanong maalarma ang pulisya nang sunod-sunod na mga paaralan na ang nagsusumbong ng insidente ng panloob at mapasing-iisa ang modus na ginamit.

Probinsya

PCG personnel, kasama sa mga nasawing biktima sa SCTEX road crash; naulila ang 2-anyos na anak

Sa imbestigasyon, bago ang insidente may ilang tao umano ang nag-alok ng mga promo item sa mga teacher ng paaralan.

“Based on their investigation, it was established that the modus operandi of the suspects were to show promotional demonstrations of their products to the teachers of their target schools not knowing that the suspects were already checking in on the items to be taken,” ani Lt. Col. Jaycees Tolentino, deputy provincial director for Administration ng Oriental Mindoro provincial police.

Matapos ang background checking at paghahanap sa mga suspek, natukoy ng mga awtoridad ang Tropical Lodge sa Bgy. Dangay sa Roxas kung saan nangungupahan si Saurin. Agad itong naaresto nitong Hulyo 7 kung saan nakuha sa lugar ang pitong television set, tatlong printer at ilang sewing machine.

Sunod na nahuli ang kasabwat nito na si Larry dela Vega sa isang follow-up operation. Habang patuloy pang tinutugis ang ikatlong kasamahan na si Joemer dela Rama.

Sa interogasyon, inamin ng dalawa na sila ang nanloob sa siyam na paaralan.

Habang ang mga ninakaw na items ay dinadala sa Iloilo at ibenebenta sa online.

Samantala Nobyembre 2014 una nang naiulat ng BALITA ang pagkakaaresto sa isang Chrisopher Saurin, residente ng Antique dahil sa serye ng nakawan sa isla ng Panay.

Base sa report, si Saurin ang itinuturong responsible sa panloloob ng 22 na public schools sa Antique, Aklan and Iloilo.

Dahil notorious ang grupo ni Saurin sa Western Visayas, naniniwala ang pulisya na maaaring lumipat lamang ng target ang mga suspek ngunit ginamit din ang iisang modus lalo’t mga public school lamang ang tinatarget nito.

Bukod sa robbery, mahaharap din ang grupo ni Saurin sa Republic Act of 10591 (Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act).

Aaron Recuenco