Nasa 28 katao ang nasugatan habang ilang istruktura ang napinsala sa pagyanig ng magnitude 5.5 sa Surigao del Sur ngayong Sabado ng umaga.
Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), naitala ang 5.5-magnitude na lindol 4:42 ng umaga, siyam na kilometro sa timogsilangang bahagi ng Carrascal, Surigao del Sur.
Pagbabahagi ng Phivolcs tectonic ang origin ng lindol, na dulot ng paggalaw ng lupa sa ilalim at sinundan ng aftershocks na 3.8-magnitude at 1.9-magnitude bandang 5:15 ng umaga at 1:07 ng hapon.
"Twenty-five recorded patients with minor injuries were treated at Madrid District Hospital and three patients referred to Adela Serra Ty for further check-up," pahayag ni Office of Civil Defense Caraga Regional Director Liza Mazo.
Apat na bayan ang pinakaapektado ng lindol, ang bayan ng Lanuza, Carmen, Madrid at Cantilan.
Sa bayan ng Lanuza, isang pribadong gusali ang gumuho habang bumigay din ang pader ng Agsam Catholic Church was damaged.
Napinsala rin ang kisane ng isang simbahan sa bayan ng Carmen habang ilang bitak ang nakita sa munispisyo ng bayan. Nakapagtala rin ng pinsala sa ilang barangay hall sa lugar.
Gumuho naman ang isang lumang gusali sa bayan ng Madrid habang ilang tahanan ang napinsala,
Nakitaan naman ng bitak ang tulay ng Magosilom Casa sa bayan ng Cantilan.
"OCD-Caraga coordinates closely with SDS [Surigao del Sur] provincial disaster risk reduction management office. So far, situation is still manageable by PDRRMO," ani Mazo.
Nagsagawa na ng field validation ang mga awtoridad upang matukoy ang kabuuang pinsala na idinulot ng lindol sa ibang bahagi ng probinsiya.
Martin A. Sadongdong at Ellalyn De Vera-Ruiz