Bilang bahagi ng isang kakaibang social experiment, isang Mexican mayor ang nag-disguise bilang disabled person na kailangan ng tulong upang subukin ang ugali ng kanyang mga nasasakupan.

Sa ulat ng Oddity Central, nagsagawa ng test attitude si Carlos Tena, mayor ng Cuauhtémoc, Mexico matapos makatanggap ng reklamo mula sa isang disabled at ibang socially disadvantaged people tungkol sa pagtratong kanilang natatanggap mula sa mga social workers.
Dalawang buwan ang ginugol niya upang gumawa ng kapani-paniwalang disguise at saka niya binisita ang Mayor’s Office at Social Services, at nagkunwaring disabled na kailangan ng tulong.
Ayon kay Carlos, binigo siya ng ilan niyang kasamahan dahil nakatanggap siya ng diskriminasyon.
Dagdag pa niya “not all of them displayed the same attitude, but made it very clear that I didn’t want to hear about people being mistreated again, or I would take drastic measures.”