Wala sa plano si Manila Mayor Isko Moreno na kumandidato sa pagkapangulo kapag natapos ang kanyang termino.

Sina DENR Secretary Roy Cimatu at Manila Mayor Isko Moreno sa Estero de Antonio de Abad sa Malate, Maynila ngayong Sabado. MANNY LLANES

Sina DENR Secretary Roy Cimatu at Manila Mayor Isko Moreno sa Estero de Antonio de Abad sa Malate, Maynila ngayong Sabado. MANNY LLANES

Ayon sa alkalde, mas gugustuhin niya pang tumutok sa pagtulong sa mamamayan ng Maynila kaysa kumandidato sa pinakamataas na posisyon sa bansa, sa 2022.

“Mas lalo namang problema yan, I owe it to the people of Manila and we deserve something else. I would rather focus sa mandate ng tao sa Manila because they are expecting,” ani Mayor Isko.

Probinsya

Pabuya sa makakapagturo sa suspek na rumatrat sa dating beauty queen, pumalo ng ₱50K

Sa halip, mas gusto ng alkalde na magturo sa lokal na pamahalaan, kapag natapos na ang kanyang termino.

“In fact, after my term, I would like to teach,” anang mayor.

“Honestly, I have been teaching lectures in the local governments. I will share my experiences more than academic provisions syllabus and laws of Local Government Code.”

Erma R. Edera