MIES, Switzerland – Nakipagkasundo ang FIBA (International Basketball Federation) para sa ‘promotional partnership’ sa Go for Gold Philippines, nangungunang lottery scratch card brand sa Pilipinas sa pangangasiwa ng Powerball Marketing & Logistics Corporation.

NAGKAMAYAN sina Go For Gold head Jeremy Go (kaliwa) at James White, head of sales ng APAC, matapos malagdaan ang memorandum of agreement (MOA) para sa tambalan ng Go For Gold at FIBA sa promosyon ng programa ng basketball body sa bansa.

NAGKAMAYAN sina Go For Gold head Jeremy Go (kaliwa) at James White, head of sales ng APAC, matapos malagdaan ang memorandum of agreement (MOA) para sa tambalan ng Go For Gold at FIBA sa promosyon ng programa ng basketball body sa bansa.

Epektibo na ang naturang kasunduan kung saan masisimulan na ng Go For Gold ang promotion programa para sa FIBA competition sa Pilipinas na tatagal hanggang sa Hunyo 30, 2020.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Ayon kay Powerball vice president for marketing Jeremy Go, target ng Go For Gold program na mapataas ang kamalayan ng kabataang Pinoy sa buting maidudulot ng sports sa kanilang pamumuhay at character.

Sakop na ng nalagdaang Memoramdum of Agreement (MOA) ang paghahanda ng Team Philippines Gilas sa FIBA World Cup ngayong taon sa China. Ito ang ikalawang sunod na taon na makalalaro ang Pinoy sa pamosong torneo.

"The national team competitions within FIBA basketball are key.  We want to capture more attention and more followers for FIBA basketball,'' pahayag ni FIBA Media and Marketing Services Director General Frank Leenders.

“We want the fans to get excited about their national team moving towards our primary competitions. By seeking out partners in the Philippines and by bringing the FIBA Basketball World Cup Trophy to the country, we're engaging our fans and helping them to feel a part of the World Cup competition this year," aniya.

Ang kasunduan ay tapik sa balikat sa inihandang programa ng Go For Gold na maitala ang bagong Guinness World Record para sa pinakamaraming tao na sabay-sabay na magdi-dribble ng basketball sa isang lugar.

Nakatakda ang programa sa Hulyo 21 sa MOA ground.

Target nitong lagpasan ang record  7,556 na isinagawa ng United Nations Relief and Works Agency sa Rafah, Gaza Strip, Palestine noong Hulyo 22,  2010.