MASUSUKAT ang tunay na lakas at kakayahan ni WBA Asia Minimumweight champion ArAr Andales sa pakikisagupa kay WBA World Champion Thammanoon Niyomtrong sa Champion vs. Champion match sa Agosto 2 sa Bangkok, Thailand.

ANDALES: Bagong mukha ng Philippine boxing

ANDALES: Bagong mukha ng Philippine boxing

Ayon kayQuiBors promoter-manager Joseph Quibral, aksiyong umaatikabo ang asahan sa laban ng dalawang fighters na kapwa may malinis na karta. Tangan ni Andales ang 10-0 marka, habang si Niyomtrong ay 19-0.

Kipkip ang tawag na Knockout CP Freshmart – bilang sponsorship benefactor – si Andales ang ikaanim na Pinoy na makakaharap ng Thai mula noong 2012. Huling nakalaban niyang Pinoy ay si Toto Landero noong March 6, 2018 na kanyang ginapi via unanimous decision.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Huling nagwagi naman si Andales via unanimous decision kontra Cris Ganoza nitonng April para mapanatili ang WBA Asia Minimumweight title.

“Magawa lang ni ArAr yung mga pinag-aralan namin, may chance tayo manalo” (For as long as ArAr executes our game plan, we have a good chance of winning),”pahayag ni Quibral sa panayam ng Manila Bulletin Sports Online/Balita.

Inamin ni Quibral na matikas ang 28-anyos na si Niyomtrong, higit ang taglay nitong karanasan,ngunit determinado si Andales na tanghaling WBA World Champion.

“Hindi namin ine-expect na mapipili kami kalaban. Pero sa pinakitang mga laban ni ArAr, nagka-interest sila. Nung manalo siya sa WBA Asia Championship gumanda ang record niya tapos na depensahan pa niya ito. Kaya lalong gumanda at umakyat siya sa WBA World ranking no. 5,” sambit ni Quibral.

-Brian Yalung