Sinabi ni Pangulong Duterte na pinagre-report niya sa Malacañang sa Lunes ang lahat ng 64 na tauhan ng administrative section ng Bureau of Customs na sinibak niya, dahil ipalilinis niya sa mga ito ang makapal na water lilies sa Pasig River.

Si Pangulong Rodrigo Duterte sa

Si Pangulong Rodrigo Duterte sa "Araw ng Pasasalamat" para sa OFWs sa Camp Aguinaldo sa Quezon City nitong Biyernes.

Sinabi ng Pangulo na pinagre-report niya sa Lunes sa Malacañang ang 64 na tauhan ng BoC na tinanggal niya, para sa susunod niyang assignment sa mga ito.

“Yesterday (Huwebes), tinanggal ko sa trabaho the entire administrative section sa Customs. Tinanggal ko silang lahat, 64 of them,” sinabi ni Duterte sa thanksgiving event para sa mga overseas Filipino workers (OFWs) sa Camp Aguinaldo sa Quezon City nitong Biyernes.

Probinsya

Pabuya sa makakapagturo sa suspek na rumatrat sa dating beauty queen, pumalo ng ₱50K

“Galit talaga ako sa corruption. Galit na galit ako sa… Magkasala ka, huwag ‘yang corruption kasi hindi kita talaga papatawarin,” aniya.

Sinabi rin ni Duterte na iminungkahi mismo ni Customs chief Rey Guerrero “[to] fire everyone” kung nais niyang tuluyang masawata ang kurapsiyon sa kawanihan.

“All that I ask is that you avoid corruption. ‘Yang Customs na ‘yan, sabi nila hindi maputol-putol na—sa Bisaya napura. Napuno na ako. Kaya sabi ko, ‘Hindi talaga mahinto itong p**** i**** ‘to, umalis kayong lahat’.”

Para sa susunod nilang assignment, sinabi ni Duterte na inutusan niya ang nasabing mga kawani na pag-aalisin ang makapal na water lilies na naglutangan sa Pasig River.

“Doon kayo mag-report sa Pasig. Doon sa opisina ko—pinaka… Ang barge ko magpunta ako doon sa opisina sa Pasig, galing dito sa kabila, hindi na makalusot dahil sa water lily. ‘Yun ang ipatrabaho ko sa kanila para makalusot ako doon sa Malacañang,” aniya.

Ipinaubaya naman ni Duterte sa Office of the Ombudsman ang paghahain ng mga kaukulang kaso laban sa mga nasabing tauhan ng Customs.

Genalyn Kabiling at Beth Camia