HOUSTON – Muling magkakasama sa iisang team sina James Harden at Russel Westbrook.

Sa sopresang desisyon nitong Huwebes (Biyernes sa Manila) nagkasundo ang Houston Rockets at Oklahoma City Thunder para sa trade nina Westbrook at Chris Paul.

Kasama ring makukuha ng Thunder sa trade ang karapatan sa dalawang first round picks sa 2024 at 2026, ang karapatan na i-trade ang first-rounders sa 2021 at 2025.

Unang naiulat ang naturang trade ni Adrian Wojnarowski ng ESPN.

6 koponan nagbabalak ligwakin ang PVL; lilipat daw sa bagong liga?

Si Westbrook ang ikalawang star player na umalis sa OKC sa off-season matapos lumipat si All-Star forward Paul George sa Los Angeles Clippers para buuin ang tambalan kay Kawhi Leonard.

Pormal nang lumagda ng kontrata sina George at Leonard sa Clippers.

Nakumpleto na rin ang paglipat sa OKC nina guard Shai Gilgeous-Alexander, forward Danilo Gallinari at limang first-round pick mula sa Clippers.