LONDON (Reuters) - Sinubukan pang apulahin ng mga bumbero ang sunog na sumiklab sa isang bahagi ng Warner Bros studios, malapit sa London, kung saan kinunan ang pelikulang Harry Potter, nitong Huwebes.
Umabot sa labinlimang truck ng bumbero ang rumesponde sa Leavesden studios sa Hertfordshire kung saan nagsimula ang apoy nitong Miyerkules ng gabi, ayon sa ulat ng lokal na pamahalaan.
Nabatid na hindi na ginagamit ang set nang maganap ang sunog at wala ring nasaktan sa insidente.
Wala pang karagdagang impormasyon ang ibinahagi mula sa studio nitong Huwebes.
Kinunan ang walong pelikula ng Harry Potter sa Leavesden, pati na rin ang iba pang mga pelikula tulad ng James Bond, Fast and Furious at Mission Impossible.
Ang studio ay dating pabrika ng eroplano na isinaayos ng mga producer ng pelikula ni James Bond na Golden Eye noong 1994 upang maging isang studio.