Mga Laro Ngayon

(Cuneta Astrodome)

4:30 n.h. -- Phoenix vs NLEX

7:00 n.g. -- Meralco vs Northport

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

NAKASIGURO na sa No.2 at sa kaakibat nitong insentibo, tatangkaing isara ng Northport ang elimination sa pamamagitan ng panalo habang ilalaban ng Phoenix at Meralco ang kanilang tsansa na makahabol sa top 8 sa pagsalang ngayon sa PBA Commissioner’s Cup sa Cuneta Astrodome sa Pasay City.

CUTE NI BEYBI! Aksidenteng natampal sa mukha si Arwin Santos ng San Miguel Beer nang tangkaing maagaw ang bola sa karibal na Phoenix Fuel Masters sa isang tagpo ng kanilang laro sa PBA nitong Miyerkoles. (RIO DELUVIO)

CUTE NI BEYBI! Aksidenteng natampal sa mukha si Arwin Santos ng San Miguel Beer nang tangkaing maagaw ang bola sa karibal na Phoenix Fuel Masters sa isang tagpo ng kanilang laro sa PBA nitong Miyerkoles. (RIO DELUVIO)

Taglay ang barahang 8-2, nakatitiyak na ang Batang Pier sa No.2 at sa twice-to-beat incentive gaya ng topnotcher TNT sa pagtungtong nila sa quarterfinals.

Hawak naman ang markang 4-6, kasalo ang Alaska sa 8th at 9th spot, sisikapin ng Fuel Masters na ipanalo ang huling laro sa eliminations upang makasiguro ng playoff para sa huling quarterfinals berth.

Bagama’t wala na sa kontensiyon ang katunggaling Road Warriors, hindi pa rin nakakatiyak ng panalo ang Fuel Masters sa tapatan nila ngayong 4:30 ng hapon.

Gaya ng Phoenix, ipaglalaban din ng Bolts ang nalalabing tsansang makahabol sa huling playoffs berth.

Nasa ika-10 puwesto hawak ang markang 3-6, kinakailangang ipanalo ng Meralco ang laban kontra Northport sa tampok na laro ngayong 7:00 ng gabi at huling laban sa Linggo kontra San Miguel upang makahirit ng playoff para sa huling upuan sa quarterfinals.

Galing sa mahabang pagkabakante magmula ng matalo noong Hunyo 29 sa kamay ng Magnolia, 88-99, sa Zamboanga, tatangkain ng Meralco na makaahon sa kinasadlakang apat na sunod na kabiguan.

-Marivic Awitan