WALANG tigil sa kari-ring ang cell phone ng isang executive ng Metro Manila Film Festival (MMFF) Committee matapos ihayag nitong Miyerkules ang unang apat na pelikulang kasama sa Magic 8 ng taunang film fest, na mapapanood sa Pasko, Disyembre 25, 2019.

Coco

May ilang producer/director na hindi napasama ang pelikula sa naunang Magic 4, dahil nga matagal na silang nagsumite ng kanilang script, at higit sa lahat malalaki ang kanilang mga artista.

Ayon pa sa nakuha naming impormasyon, dapat ay hindi magkakapareho ang genre ng mga entries; dapat may isang family drama, family comedy, fantasy, action at horror.

Relasyon at Hiwalayan

Pagpapakasal dahil lang sa anak, 'di bet ni Janella Salvador

May nagtanong kung paano nakasali ang Pinoy adaptation ng Korean movie na Miracle in Cell No. 7 nina Aga Muhlach at Nadine Lustre, ng Viva Films, gayung hindi raw ito original story.

“It’s an adaptation, maganda ang pagkaka-tackle sa Filipino family kaya napunta siya sa drama,”sagot ng taga-MMFF.

Hindi naman kinuwestiyon ang pagpasok ng pelikula ni Vic Sotto na Mission Unstapabol: The Don Identity, with Maine Mendoza, ng APT Entertainment at M-Zet Productions. Totoo naman kasing hindi kumpleto ang MMFF kung walang pelikula si Bossing Vic, na taunan nang inaabangan ng mga bata.

At kung may Vic Sotto, dapat may Vice Ganda rin, kaya pasok sa fantasy genre ang Momalland ng It’s Showtime host, produced ng ABS-CBN Film Productions, Inc. at Viva Films. Kasama ni Vice sa movie sina Anne Curtis, Tony Labrusca, at Dimples Romana.

Pagkalipas ng limang taon na hindi gumawa ng horror movie ay muling nagbabalik ang orihinal na Horror Queen, si Kris Aquino sa (K)Ampon kasama si Derek Ramsay mula sa Quantum Films.

Hindi namin akalain na tumanggap ng pelikula si Kris, dahil nga kamakailan lang ay sunud-sunod ang medical procedures niya sa Singapore dahil sa sakit niya na hindi mawala-wala.

At kaya rin pala nagmamadali siyang gumaling at humihingi ng panalangin dahil may movie project pala siya para sa MMFF 2019. Inakala lang ng lahat ay may bago siyang product endorsements.

Samantala, marami naman ang nagulat na hindi nakasama ang pelikula ni Coco Martin, with Jennylyn Mercado at Ai Ai delas Alas, dahil nakasanayan na rin na kahanay ng bida ng FPJ’s Ang Probinsyano sina Vic at Vice—na tinaguriang The Big 3 ng showbiz—tuwing MMFF.

Ang katwiran sa amin ng taga-MMFF, “Romantic comedy. Siguro mag-action si Coco. Mag-submit siya ng finished film for action.”

Isa rin sa hindi nakapasok ang pelikulang horror ni Robin Padilla, It it; ang Heiress ni Ms Maricel Soriano; Mindanaw ni Judy Ann Santos; at Ang Bahaghari ni Ms Nora Aunor, na may kinalaman sa LGBT.

Umabot sa 26 scripts ang ang ipinasa sa MMFF. Ang mga hindi nakapasok ay maaring magsumite ng ibang genre ng finished films, at ang deadline ay sa Setyembre 20.

Sa Oktubre naman ihahayag ang final four para mabuo ang Magic 8.

May kanyang paliwanag naman ang namuno sa Selection Committee, ang National Artist na si Mr. Bienvenido Lumbera tungkol sa pagkakapili sa unang apat na entry.

Bakit nakasama ang Momalland?

“It’s a Vice Ganda movie. People used seeing a Vice Ganda movie in MMFF,” sinabi ni G. Lumbera sa isang panayam.

Ang (K)Ampon: “It’s an interesting script, talks about child who suddenly comes up and claim that she is the daughter of a man that is not the child of man and wife. So that should be interesting to people who have not seen Kris Aquino in any commercial film lately and that is box office attraction.”

Ang Miracle in Cell No. 7: “A woman died and comes back to life by a ritual sorcerer.”

Bagamat hindi horror ang genre ng pelikula kundi family drama, sinabi ni G. Lumber, “Yes, but in a sense that there is a phenomenal dead woman.”At ang Mission Unstapabol: The Don Identity: “It’s a movie which also a regular MMFF series of Vic and it’s a box office attraction.”

-REGGEE BONOAN