TOTAL strangers na OFWs sa Hong Kong ang roles ng main characters sa Hello, Love, Goodbye. Kaya nang mai-cast ng Star Cinema si Kathryn Bernardo, naging challenge ang paghahanap ng magiging leading man na convincing na estranghero talaga.Lahat kasi ng actor ng ABS-CBN, walang umubra.

Alden at Kathryn

Ang ABS-CBN Music ecosystem big boss na si Roxy Liquigan ang nakaisip na si Alden Richards ang itambal kay Kathryn. Aprub agad ang buong think-tank ng Star Cinema. At dahil siya ang nakaisip, siya na rin ang na-assign para makipagnegosasyon kay Alden.

“Wala akong kaaalam-alam noong una kung sino ang puwede kong lapitan at kausapin para makontak si Alden,” napapangiting kuwento ni Roxy nang makausap ko sa press launch ng Hello, Love, Goodbye last Tuesday sa Dolphy Theater.Pero nang eventually makausap na niya ang aktor at kalaunan ang mga taga-GMA Network na namamahala sa career nito, “Napakadali at napakagaan nilang kausap, hindi ako nahirapan. Five times lang kaming nag-meeting, okay na!”

Relasyon at Hiwalayan

Pagpapakasal dahil lang sa anak, 'di bet ni Janella Salvador

Pruweba na puwede naman palang tigilan pansamantala ang network war na matagal nang nagiging counter-productive para sa industriya.

Nakakatuwa na may ceasefire ngayon sa network war at magkatulong ang Dos at Siyete sa promo ng pelikula nina Alden at Kathryn. Nakakatuwang pagmasdan na nasa loob ng ABS-CBN compound ang entourage ni Alden na pawang Kapuso employees.

Sina Kathryn at Alden ang higit na nasisiyahan sa kanilang bagong experience sa pakikipagtrabaho sa isa’t isa.

“Masaya kami ni Alden dahil nakita namin dito sa movie na parang nawala ang hati ng Kapuso at Kapamilya,” pahayag ni Kathryn sa open forum ng media conference.

“Yes po, parang ang sarap po sa pakiramdam,” susog agad ni Alden. “Of course, I’m very thankful to GMA kasi medyo ang haba po talaga ng proseso bago naging ganito. May hindi po ako makalimutang sinabi ni Direk Cathy (Garcia-Molina) when we were in the storycon, when we were being interviewed by the TV crew, no’ng makita po ni Direk na magkatabi ‘yung mic ng ABS at GMA. Sabi niya, ‘Ay, puwede pala!’

“So, sana po ito ang mag-start ng collaboration ng different networks, different artists, actors na sa isang project magsama ang to be able to tell a good story to the audience,” hopeful na sabi ni Alden.Pero dahil pumasok sa bago at ibang working culture, hindi ganoon kadali ang lahat sa aktor.

“During the look test po we did a couple of shots kami po ni Kath, actually more on my part po, well si Kath din po nagpalit. Parang nakikita ko na po si Direk, parang may hinahanap. Parang naghahanap po ng panga,” nakakaaliw na kuwento niya.Pagkaraan ng ilang shots, prinangka siya ni Direk:“Alden halika dito, tingnan mo, ang taba mo.”Sign of maturity at professionalism na sa halip na ma-offend, maluwag sa loob na tinanggap ni Alden ang obserbasyon ng mamamahala ng gagawing pelikula.

At nangakong sa sunod na pagkikita nila ay iba na ang hitsura niya.Umabot sa 25 lbs ang ipinayat ni Alden sa loob ng isang buwan bago nagsimula ang shooting.

“Sarili ko pong program. I never asked any help. I just did my own workouts, did my own meal diet. So, kaya ko pala s’yang mag-isa,” aniya.

“Marami po akong discoveries sa sarili ko with this movie and I’m really happy I was able to work with these amazing people and amazing director. Kasi binago po ni Direk ‘yong the way I see my work now.

Na hindi puwedeng half-baked ang commitment, kailangan ‘pag may may ginagawa ka ibuhos mo lahat.”Sa July 31 ang playdate ng Hello, Love, Goodbye.

-DINDO M. BALARES