MARAMI nang celebrities ngayon ang health conscious kaya mas pinipili ang organic food para sa pang-araw-araw nilang diet. Ang ilan sa kanila, personal pang nagtatanim ng kakainin nila para siguradong healthy at fresh.

Kabilang sa mga celebrities na into organic food choices ang mag-asawang Robin Padilla at Mariel Rodriguez, gayundin sina Ormoc City Mayor Richard Gomez at Leyte Rep. Lucy Torres-Gomez, at Mylene Dizon.

“Baguhin natin ang imahe ng magsasaka para magkainteres ang mga bata,” sinabi ni Robin sa isang interview. “Sila ang susunod na henerasyon ng farmers.”

Si Zsa Zsa Padilla nga, may sariling farm sa Lucena, habang ginawa naman ni Coco Martin na gulayan ang bakanteng lupa sa tapat ng bahay niya sa Quezon City.

Events

Lotlot, sinabing pareho nang kumakanta sa langit 'Mommy at Mamita' niya

Ang Cornerstone President-CEO na si Erickson Raymundo, ilang ektarya rin ang farm sa Rizal, at mga gulay at prutas ang hina-harvest niya rito.

Ang mga celebrities na ito ang pumasok sa isipan namin nang makatsikahan namin ang taga-BioSolutions International, na nakaimbento ng mga produkto para mas maparami ang ani, sa pamamagitan ng pagsugpo sa mga peste.

Ang dami naming natutuhan tungkol sa pagtatanim at usapang-lupa kay Ryan Joseph V. Zamora, CEO ng kumpanya at anak ng may-aring si Rodolfo “Jun” Zamora, gayundin kina Jorge Peñaflorida, sales manager for agri; at Emmanuel Piadozo, technical sales supervisor sa Nueva Ecija branch.

Taong 2006 nagsimula ang operasyon ng kumpanya, na ang concentration noon ay sa Aqua Division, hanggang sa maisip ng may-ari na kailangang mag-expand sila, dahil medyo masikip na ang market ng aqua.

“May nag-suggest sa kanya iyong panlaban sa kuhol. Parang nagkaroon ng epidemic sa kuhol, iyong Schistosomiasis somewhere in Samar. Ang cause ng bacteria o breeding ground ay ‘yung kuhol. So kailangang mapigilan ang pagdami nito o mabawasan ang Schistosomiasis,” paliwanag ni Peñaflorida.

Nadiskubre nila ang sangkap na makakapuksa sa kuhol in natural means, ang saponin mula sa tabako at camellia seed. Taong 2009 nang nabuo ang Astig Kuhol Terminator, na non-toxic at non-polluting.

Dinala nila ito sa mga magsasaka, sa pamamagitan ni Mr. Piadozo, tulad sa Nueva Ecija, Compostela Valley, Iloilo, Palawan, Isabela, at iba pa, at napatunayan nilang malaking tulong ang nasabing produkto.

Magiging helpful din kina Richard at Robin, na kapwa planong paunlarin pa ang kanilang taniman, ang Agrimin, na ibinubudbod sa mga lupang mataas ang acidity, upang maging mas conducive ang taniman para magpalago.

Makatutulong naman sa gardening ang Biohumic Growth Enhancer, na ideal din sa mga organic at horticultural crops.

As of this writing, nag-iisip pa ang kumpanya kung sino ang perfect celebrity endorser ng mga produkto nito, na maaaring usisain sa (02) 851-8031 o 852-4411.

-Reggee Bonoan