ITATAYA ni WBC No. 13 flyweight Genesis Libranza ang kanyang mataas na world ranking kay dating world rated Carlos Maldonado ng Mexico sa 8-rounds na sagupaan sa undercard ng unification bout nina eight-division world titlist Manny Pacquiao at WBA welterweight champion Keith Thurman sa Hulyo 20 sa Las Vegas, Nevada.

Huling lumaban si Maldonado nang matalo via 10-round unanimous decision kay WBC No. 5 flyweight McWilliams Arroyo para sa bakanteng WBO Latino flyweight title sa Ponce, Puerto Rico noong nakaraang Pebrero 16.

Kasalukuyang Philippine flyweight champion si Libranza na nagwagi sa kanyang huling laban via 8-round unanimous decision laban kay Mexican Gilberto Mendoza sa Carson, Calfornia noong nakaraang Pebrero 9.

May rekord si Libranza na 18 panalo, 1 talo na may 10 pagwawagi sa knockouts kumapara kay Maldonado na may kartadang 11 panalo, 3 talo na may 7 pagwawagi sa knockouts.

Rebisco, DepEd nagkasundo sa pagbuo ng volleyball program katuwang ang Creamline

-Gilbert Espeña