Isang pulis ang napaslang matapos matapos barilin ng dalawa niyang helper habang nakikipag-inuman sa Los Baños, Laguna, nitong Miyerkules ng gabi.

PULIS

Binawian ng buhay habang ginagamot sa Los Bañps Doctors’ Hospital ang biktimang si Senior Master Sergeant Dominic Obligado, nakatalaga sa Intelligence Unit ng Lucena City Police Station, dahil sa mga tama ng bala iba’t ibang bahagi ng katawan.

Sa paunang report ng Los Baños City Police, ang insidente ay naganap sa Purok 5,  Barangay Tuntugin-Putho.

National

German, tiklo; nagpuslit ng higit ₱55M halaga ng shabu, itinago sa mga Bibliya!

Bago ang insidente, nakikipag-inuman ang biktima sa mga kaibigan nito nang dumating ang dalawang suspek na sina Ruel Nabatilan, alyas “Burnok”, at Crisencio Pitogo, alyas “Dacs” at bigla itong binaril.

Ayon sa pulisya, hindi sinaktan ng mga suspek ang mga kainuman ng biktima.

Pinaghahanap pa ng pulisya ang dalawang suspek at inaalam na rin ang motibo sa krimen.

-Danny Estacio