YUMAKAP si Alden Richards kay Direk Cathy Garcia-Molina dahil sa sagot ng direktor sa tanong ni Allan Diones sa mediacon ng Hello, Love, Goodbye, tungkol sa reaksyon niya nang malamang si Alden ang magiging leading man sa nabanggit na pelikula ng Star Cinema.

Kathryn, Direk Cathy at Alden

“Nu’ng sabi nilang Alden, sabi ko, taba lang pero sabi ko mukhang marunong umarte ang batang ‘to. Nagkamali ako hindi s’ya marunong, magaling sya.”

Nakita na lang ng press na umalis sa kanyang kinauupuan si Alden at niyakap si Direk Cathy na nasa tabi ni Kathryn Bernardo. Na-touch siguro si Alden sa binanggit ng kanyang director na sa rami ng nakatrabahong mababait at magagaling na artista ni Direk Cathy ay isa na roon si Alden.

Tsika at Intriga

UE Student Council, dinepensahan si Awra sa isyu ng female school uniform

Bago yumakap kay Direk Cathy, nakita muna si Alden na humawak sa kamay ni Kathryn dahil sa tuwa. Tiyak na hindi nito ini-expect na sasabihin ‘yun ng direktor sa harap ng media.

Ipinost ni Alden sa Instagram (IG) account niya ang litrato na nakaluhod siya habang nakayakap kay Sirek Cathy at sabi pa ng ibang press, naluha raw ang aktor.

“This is probably one of my highlights as an actor. I am grateful for the opportunity to work with and learn from you, Direk. For your words of wisdom and encouragement, Direk Cathy... thank you.”

Ang ganda rin ng sinabi ni Alden patungkol kay Kathryn na, “Thank you for taking me in.”

Sa July 31 ang simula ng showing sa ‘Pinas ng Hello, Love, Goodbye na susundan ng international screening sa iba’t ibang bahagi ng mundo.

Inanunsiyo sa mediacon na dadalo sina Kathryn at Alden kasama ang ibang cast, pati na rin si Direk Cathy sa screening sa Dubai, Abu Dhabi at Hongkong.

-NITZ MIRALLES