PINANGALANAN na ang unang apat na pelikulang pasok sa 45th Metro Manila Film Festival (MMFF).
Mula sa 26 scripts buhat sa 22 production companies, pinili ng mga miyembro ng Selection Committee sa pangunguna ng National Artist na si Bienvenido Lumbera ang Top 4 base sa mga sumusunod na criteria: Artistic Excellence - 40%; Commercial Appeal - 40%; Filipino Cultural Sensibility - 10%; at Global Appeal - 10%.
Ang unang apat na pelikula na makakasama sa official eight entries sa MMFF ay ang Kampon ng Quantum Films starring Derek Ramsay and Kris Aquino; Miracle In Cell #7 of Viva Communications, Inc. starring Aga Muhlach and Nadine Lustre; Mission Unstapabol: The Don Identity of APT Entertainment, Inc./M- Zet Production starring Vic Sotto and Maine Mendoza; at Momalland of ABS-CBN Film Productions, Inc. and Viva Films starring Vice Ganda and Anne Curtis.
Ang susunod na apat pang pelikula ay mula naman sa finished films na ang deadline ay sa September 20.
Samantala, ang submission ng mga script para sa short film category ay sa Agosto 15.
-Bella Gamotea