ONE for the books ang life story ni Manila City Mayor Isko Moreno. Punumpuno ng mga pagsubok ang kanyang buhay na mapagkukunan ng inspirasyon.

Isko Moreno (photo by Albert Garcia)

Isko Moreno (photo by Albert Garcia)

Kung literal kong isusulat sa libro ang buhay niya, ang isa-suggest kong title ay “Sincerity is Power”. Dahil sinseridad ang ‘anting-anting’ ni Isko.

Simula noong unang araw na magtungo siya sa opisina ni Daddie Wowie Roxas, malalim na sinseridad agad ang napansin sa kanya ng kanyang mentor-discoverer.

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

Hanggang ngayon, taglay ni Isko ang sinseridad na ito sa pakikipagkapwa.

Kumpara sa ibang manager-talent relationships, enduring ang samahan nina Daddie Wowie at Isko dahil sa sincerity na lumago nang lumago at ngayon ay naging napakataas nang respeto nila sa isa’t isa.

“Naikuwento na ni Isko ang buhay niya sa showbiz, na-‘MMK’ (Maalaala Mo Kaya) na at kung saan-saan pa pero ako ‘di pa ako nagkukuwento ng buhay ko sa kanya, ng mga pinagsamahan naming ups and down sa buhay,” malamang wika ni Daddie Wowie.

May mga sinabi si Isko sa kanya noon pa na ngayon na lang niya natatanto na nagkatotoo na pala.

“Noong inauguration niya bilang mayor, ewan ko, Dindo parang wala akong nakikita at naririnig,” kuwento niya, “nag-flashback sa akin ang mga sinabi niya sa akin na mga impossible dream na mga biruan namin. Now reality na.

“Ngayon ko lang sasabihin sa ‘yo ito... bago pa lang siya nitong artista sa ‘That’s (Entertainment)’, nag-perform s’ya sa Luneta Grandstand, ‘yong habang hinihintay ang balik ng parade ng Metro Manila Film Festival 94, kumakanta s’ya ng ‘Achy Breaky Heart’ (multi-platinum n’ya ‘yang song na ‘yan sa laki ng kinita kakakanta niya na lipsync lang naman ha-ha-ha sa lahat ng sulok ng mga probinsiya ng ‘Pinas) may video pa ako till now... After his performance (habang papalapit ang mga float ng mga artista kasama si Mayor Lim noon) he was just 17, sabi niya, isang araw, Daddie... babalik ako dito sa Luneta Grandstand hindi para mag-perform. Sabi ko, ‘Haaaa? Ano gagawin mo?’

Mag-i-speech daw siya na nakataas ang kamay niya para sa mga kababayan niya kasi magiging pulitiko daw siya. Sabi ko, ‘Aaah okay, ganoon ba? O, s’ya, sige uwi na tayo, bukas ka na lang mag-speech.’

Kasi, ‘ka ko, gabi na! Sabay lakas ng malutong na tawanan namin. Sabay sabi niya, ‘Libre ang mangarap, Daddie....’ Sabi ko naman, ‘Oo naman, libre’.”May isa pang sinabi sa kanya si Isko na hindi ko muna isusulat sa ngayon, dahil kailangan pang ipaghintay ng tamang pagkakataon.

“Busilak ang puso ni Isko,” patuloy na kuwento ni Daddie Wowie sa akin. “Bakit ‘ka mo? Sinasabi ko sa kanya, ‘Anak ‘yang mga nasa paligid mo, ‘yan ‘yong mga taong nanglalait sa ‘yo noon, bakit kasama mo ngayon mapa-showbiz man at pulitika.

Sabi niya, ‘Daddie, ‘wag ka nang magalit sa kanila... kung anuman ang ‘pinagkaloob ng Diyos sa akin ngayon sobra-sobra nang biyaya.

Wala nang puwang sa puso ko ang paghihiganti sa mga nang-aapi at ‘di naniniwala sa akin noon. Pagpapatawad is the best, para wala kang dala-dalang bigat sa puso mo at mag-move on na tayong lahat. Sabi ko, ‘Okay!’.”

-DINDO M. BALARES