INIHAYAG ng rapper na si Nicki Minaj nitong Martes na kanselado na ang nakatakda niya sanang concert sa Saudi Arabia sa susunod na linggo. Ito ay bilang pagsuporta sa karapatan ng kababaihan at ng LGBTQ community sa Saudi.

NICKI

Si Nicki na kilala sa kanyang kakaibang pananamit at palabas, ay nakatakda sanang magtanghal sa gaganaping Jeddah World Fest music festival sa Hulyo 18, ngunit kaagad na binatikos ng netizens ang pagkakasali ng rapper sa festival.

Sabi pa ng Super Bass singer, “While I want nothing more than to bring my show to fans in Saudi Arabia, after better educating myself on the issues, I believe it is important for me to make clear my support for the rights of women, the LGBTQ community and freedom of expression.”

Bretman Rock, ibinida ang Filipina Barbie Doll na likha ng Fil-Am artist

Hinikayat din siya ng Human Rights Foundation (HRF) na nakabase sa New York nitong nakaraang linggo na kanselahin ang kanyang pagdalo, dahil magiging isang kabalintunaan ito sa kanyang paglahok sa katatapos lang na Gay Pride Month noong Hunyo sa New York.

Bawal kasi ang mga homosexuality sa Saudi Arabia

Nitong Martes, malugod na tinanggap ni Thor Halvorssen, Chief Executive ng HRF, ang desisyon ni Nicki na mag-back out at pinapurihan pa nito ang naging desisyon ng aktres.

“Inspiring and thoughtful decision to reject the Saudi regime’s transparent attempt at using her for a public relations stunt,” aniya.

Ipinagmamalaki ng mga opisyal ng Saudi ang Jeddah World Fest bilang ang pinakamalaking musical event sa rehiyon. Lalahok din sa concert sina Liam Payne ng One Direction at ang American DJ na si Steve Aoki.

Samantala, umaasa naman si Thor na susunod si Liam sa ginawang desisyon ni Nicki at magback-out na rin.

Nang ianunsyo ang naturang concert nitong nakaraang linggo, maraming Saudi nationals ang nagpahayag ng kanilang pananabik sa mga gagawing performance nina Mariah Carey, DJ Tiesto at ng Black Eyed Peas.

Gayunpaman, marami ang bumatikos sa pagkakasali ni Nicki sa mga magtatanghal dahil sa revealing stage outfits ni Nicki sa entablado. Kilala ang mga kababaihan ng Saudi na ballot na balot kung manamit.

Aabot sa isang dosenang mga babaeng aktibista na nakulong sa mga nakalipas na taon dahil sa mga paglabag sa karapatang pantao at pakikipag-usap sa mga banyagang mamamahayag at mga diplomat, tulad na lang ng kasong inantabayanan ng mundo noong nakaraang taon, ang pagpatay sa mamamahayag na si Jamal Khashoggi sa konsulado ng Saudi sa Istanbul.

Maraming Saudi nationals ang nadismaya sa naging pag-atras ni Nicki, “You say you’ve educated yourself on the issues but clearly that’s not true. Good job on disappointing whatever fans you had here,” ayon sa tweet Jamil Baabdullah na nakatira sa Jeddah.

Isang Twitter user na may ngalang Mohammed al7 naman ang nagsabing, “I am your biggest fan and I was dying just waiting to see you in Jeddah but you disappointed me thank you.”

-Reuters