AABOT sa 40 milyong katao ang nanood ng season 3 ng Stranger Things sa digital platform na Netflix nitong nagdaang linggo, ulat ng Entertainment Tonight.

Eksena sa 'Stranger Things'

Simula nang ipalabas ang season 3 ng retro sci-fi hit noong Huwebes, humakot ito ng 40.7 manonood at patuloy ang pagsubaybay ng mga ito sa serye.

Ayon sa tweet ng Netflix nitong Lunes: @Stranger_Things 3 is breaking Netflix records!

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

“40.7 million household accounts have been watching the show since its July 4 global launch — more than any other film or series in its first four days. And 18.2 million have already finished the entire season.”

“Now of course, we’ve learned to take any and all Netflix ratings information with a huge grain of salt — the streamer doesn’t release regular viewership data, and their internal numbers can’t be independently verified — and a source at the streamer confirms that they define “watching” a series as completing 70 percent of a single episode. But 40 million viewers is still a huge number in today’s TV landscape, by any measure, and outranks “any other film or series in its first four days.”

Kahanga-hanga rin ang record na 18.2 million viewers ng walong episode ng Stranger Things Season 3 sa loob lamang ng mahigit apat na araw.

Ayon sa executive producer nitong si Shawn Levy, hindi na kailangan pang maghintay na maglabas ng ratings dahil siguradong magkakaroon ng Stranger Things Season 4.

Sumang-ayon ang mga series creators na sina Matt at Ross Duffer, ayon sa kanila, tinitingnan nila ang series bilang “a four-season thing and then out.”