BILANG tugon sa tumataas na bilang ng Pinoy na sumasabak sa e-sports, ilalarga sa ikalawang season ng Philippine Pro Gaming League 2019 ang Bang Bang Corporate League, ayon sa Globe Telecom at MET Events.
Inaanyayahan ang lahat at aspiring competitive gamers ng Mobile Legends: Bang Bang sa buong bansa na makilahok sa PPGL upang makakuha ng pagkakataon na katawanin ang kani-kanialng kumpanya. Binubuo ng apat hanggang limang players .
Narito ang takdang petsa ng mga kompetisyon:
1) Registration sa Hulyo 2m kasunod ang Qualifier 1: July 27, 201; Qualifier 2: July 28, at Group Stage sa August 3, 2019 habang ang Grand Finals ay TBA.
Ang mangungunang dalawang koponan at makakausad sa Singtel’s PVP Regional Corporate League Online Qualifiers kung saan ang Grand Finals ay gagawin sa Singapore sa susunod na taon.
Ang Philippine Pro Gaming League ay patuloy na sumusuporta sa progresibong programa sa e-Sports.