Naghain si Albay 2nd District Rep. Joey Salceda ng panukala upang ipagpaliban ang Barangay at Sangguniang Kabataan elections, at mula sa Mayo 2020 at gawin na lang ang halalan sa Mayo 2021.

POSTPONE

Sa House Bill 1029, iginiit ni Salceda na mas magiging lohikal kung ipagpapaliban ang barangay at SK polls mula sa Mayo 2020 sa ikalawang Lunes ng Mayo 2021, dahil katatapos lang ng midterm elections ng Mayo 13 ngayong taon.

“Elections in the country are admittedly divisive, contentious and costly. Thus resetting the Barangay and Sangguaniang Kabataan elections originally slated for May 2020 to 2021 would be the more logical measure and a welcome relief from the heavy social, political and ecomic toll that usually entail,” anang kongresista.

National

PBBM admin, nagsisilbing ‘totoong kalamidad’ sa ‘Pinas – Maza

Sa kanyang panukala, mapapalawig ng isa pang taon ang termino ng mga opisyal ng barangay at SK.

“The incumbent Barangay and Sangguniang Kabataan officials will be granted an extension of one more year which is a reasonable enough time for their constituents to assess their performance in office not unlike if they were to serve for only 2 years as originally mandated under RA 10952. More importantly, they will be given enough time to implement and finish their programs to the utmost benefit of their respective constituencies,” paliwanag ni Salceda.

Una nang napaulat na may plano rin si Senator Bong Go na ipagpaliban ang barangay at SK elections sa 2022.

Kaugnay nito, sinabi ni Commission on Elections (Comelec)-Region 5 Assistant Election Director Atty. Romeo Serrano sa BALITA, na naniniwala siyang maipagpapaliban ang barangay at SK elections na itinakda sa susunod na taon, pero patuloy na naghahanda ang komisyon, dahil iyon ang tungkulin nila.

“Kami naman sa Comelec hangga't walang approved law para pigilan ang Barangay at SK elections, tuloy pa rin kami sa aming trabaho. Kasama dyan ‘yung registration as scheduled,” ani Serrano.

Nagsimula na ang paghahanda ng Comelec para sa barangay at SK elections, at itinakda ang voters’ registration para rito, sa Agosto 1-Setyembre 30, 2019.

Matatandaang dalawang beses nang ipinagpaliban ang barangay at SK elections sa bansa. Una, mula sa Oktubre 2016 at inilipat sa Oktubre 2017, at minsan pa, mula sa Oktubre 2017 ay itinakda ng Mayo 2018.

-Niño N. Luces