Bukas ang Palasyo sa posibilidad na depensahan ng prominenteng human rights lawyer, Amal Clooney si Rappler chief Maria Ressa kaugnay ng kasi nitong tax deficiency at cyber libel.

Giit ni Presidential Spokesman Salvador Panelo, posibleng na-"misinformed" lamang si Clooney hinggil sa kaso ni Ressa.

"I don't think so baka nabola lang niya si Atty. Amal. Misinformed kasi si Atty. Amal,” saad ni Panelo sa press briefing sa Palasyo nang matanong hinggil sa interes ng international community sa kaso ng Rappler CEO.

"Siguro kapag nagkita kami, I can, to use the word of the President, educate her,” dagdag pa ni Panelo.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Una rito, inihayag ni Clooney na makakasama siya sa legal team para depensahan si Ressa.

Ayon sa British-Lebanese lawyer, isusulong nila ang “legal remedies to vindicate Ressa's rights and defend press freedom and the rule of law in the country.”

Sa press briefing sa Palasyo, ‘tila ikinagulat ni Panelo ang desisyon ni Clooney na maging bahagi ng legal team ni Ressa, na tinawag niyang "beautiful and sexy."

Aniya, maaaring maging consultant o tagapagsalita si Clooney ngunit hindi nito

"Palagay ko naghahanap lang sila ng katapat ko,” ani Panelo.

"Eh kasi kapag kami dalawa nagdedebate ni Maria medyo kawawa naman kasi hindi siya abogado. Kailangan may abogado siya, kaya ayun si.. Maganda pa, sexy pa,” ani Panelo.

-Genalyn D. Kabiling